Chapter 8: Stupid Mistakes

365 37 3
                                    

"Carlota," bungad ni Danilo nang sagutin ni Carlota ang tawag nito.

"Yes, sir?" Halos kakaidlip pa lamang niya nang tumunog ang phone niya. Sumandal siya sa headboard ng kama habang nagpupungas ng mata. Ni hindi pa tapos kumain si Mariposa. Wala pa yatang sampung minuto siyang nakapikit nang maabala.

Carlota was allowed to use her phone all the time, kapag wala siyang ginagawa. Provided na sasagot siya sa lahat ng tatawag sa kanya. It was usually just the three sons or Bobet and Biboy.

"Pumunta ka sa kwarto ko."

"Po?"

"Ngayon na."

She grunted when he ended the call. Minsan mahirap timplahin ang mood ng magkakapatid. May mga araw na sobrang babait ng mga ito sa kanya. May mga araw naman na sobrang susungit.

"Sino yun?" tanong ni Mariposa sa kanya.

Ibinaba niya ang mga paa sa sahig para isuot ang sapatos niya. "Si Sir Dan."

"Ah..."

"Babalikan na lang kita pag tapos ka na. Iwan mo lang dyan yung mga hugasin."

"Ako na–" She narrowed her eyes at Mariposa. "Okay," sabi na lang nito.

She understood that Mariposa was still having a hard time adjusting to her new status. Kaka-announce pa lang kasi ng engagement nito. It was up to Carlota to teach her what to do and what not to do. Even the smallest things matter. Kagaya ng paggawa ng gawaing bahay. She also knew that it was only a matter of time before she had to call her "ma'am".

Lumabas siya ng kwarto ni Mariposa pagkatapos masiguradong maayos ang buhok at uniform niya. The black knee-length dress was a bit creased in some areas, pero hindi masyadong halata, huwag lang lalapitan. It had white bands on the hem of the sleeves. The collar and apron were also white.

Carlota loves her uniform. Don Sandro provided his maids with 4 pairs each. Kasama iyon sa benefits niya bilang katulong. Libreng uniform. Every 6 months, binibigyan sila ng allowance ni Bobet para magpatahi ng isang bagong uniform.

Lahat ng gamit nila, provided din. Shampoo, sabon, toothpaste... lahat libre. Libre din ang pagkain. Kung ano ang pagkain ng mga amo nila, iyon din ang pagkain nila. Strict nga lang ang mga ito sa kung saan at kailan sila kakain.

May savings account si Carlota. It was set up when she was still a child. Automatic na nakakaltas ang ipon niya mula sa payroll account niya. Paaral naman ni Senyor ang mga anak ng ibang katulong.

Ilan iyon sa mga dahilan kung bakit proud na proud siya bilang katulong ng mga Jimenez. The maids are fiercely loyal to Don Sandro because he takes good care of them and their families. May mga katulong sa mansion na katulong na nang kupkupin siya ng matanda at katulong pa rin sa mansion hanggang ngayon. Those who left have already retired.

"Sir?" tawag ni Carlota pagkatapos kumatok sa pintuan ng Sir Dan niya. The door opened and Carlota was quickly pulled inside. Pataklab na sumarado ang pintuan sa likod niya.

Nanlaki ang mga mata ni Carlota nang makitang may kasama sa loob ang amo niya.

"Pacita?!" Lumapit ang Sir Dan niya sa kaibigan niya at saka ito hinila palapit sa kanya. Pacita looked scared and confused. Hindi niya alam kung paano ito napunta sa loob ng kwarto ng amo niya. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

Pacita opened her mouth to speak, pero wala yata itong maidahilan kaya itinikom nitong muli ang bibig.

"Ilabas mo sya ng mansion," utos ng Sir Dan niya. "Kapag may nagtanong... bahala ka nang magdahilan." He turned to Pacita and pointed to her. "And you... keep your mouth shut."

Mariposa de BarrioWhere stories live. Discover now