14

155 6 1
                                    

14

That's exactly what happened.

We spent twenty minutes debating who would sleep on the bed and on the tiny sofa that was next to it. Pero sa huli, napagdesisyonan naming pumwesto sa kung saan kami komportable. 

Xion has a large bed that serves the three of us. 

Nasa mag-kabilang dulo kami ni Xion habang si Zia ay nasa pagitan namin. It's five in the morning but the sun still hasn't risen and my phone is out of battery. Ayon sa balita, mahaba raw ang gabi. So I suppose the sun will rise at six thirty or six something?

Napahalukipkip ako at mariin na ipinikit ang mga mata. 

Nakakainis. Hindi ako makatulog. Tulog na si Zia at si Xion. Habang ako? Argh! Ano ba?!

The only sound I could hear in the silent room was the rapid pounding of my heart. Hindi ako makatulog dahil sa ingay... nang pagtambol ng puso ko sa hindi malaman na dahilan. 

Why I feel so nervous? 

I also have a headache from not getting enough sleep. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog kahit na nanalatay na ang matinding antok sa kalamnan ko. I don't know what the reason is...

Siguro, naiihi ako. 

Marahan kong inalis ang malambot na kumot na nakapalibot sa katawan ko at agad na nakita ang rebulto ni Zia na mahimbing na natutulog sa tabi ko. I was about to fix her blanket when I noticed Xion wasn't on the bed.

Nasaan naman kaya 'yon? Hindi ko siya naramdaman na umalis... At saka... umaarte lang ba siya kanina na takot sa dilim? Kaya naman pala niyang humarap sa dilim, ang arte niya lang. 

I rolled my eyes and continued to fix Zia's blanket. Inayos ko rin ang buhok ng batang babae na nakaharang sa kaniyang mukha at nakangiting napatitig sa batang babae. 

Wala akong plano sa pag-aanak kahit na mahilig ako sa bata. I don't want to have children but I love children. 

Siguro isa ito sa epekto nang paglaki ko sa bahay ampunan? 

I was raised in an orphanage from the time I was born, but fortunately, Papa had plans to bring me back to him when I turned thirteen, since he could already afford to feed me. At oo, ako lang ang iniwan niya sa bahay ampunan. Mag-isa. Hindi kasama ang kambal ko. 

Sabay kaming sinilang mula sa sinapupunan ng nanay namin. They said that I have a lot in common with my twin Cid. Nakakatawa nga sa tuwing naririnig ko ang katagang iyan. Dahil unang-una sa lahat, mali. Pangalawa, mali. At pangatlo, maling mali. 

Mag-kaiba kami. 

Lumaki si Cid na may tumatayong tatay, lahat ng gusto niyang gawin, nagagawa niya. Habang ako? I grew up with grumpy nuns and kids. Na kaunting kilos ay may matang nakamasid. 

Ni hindi nga ako nakakabili ng paborito kong hair clip sa tindahan na lagi kong dinadaanan sa tuwing tumutulong ako sa mga nag-donate ng pagkain at kung anu-ano pa sa akin.

But I can say that I am happy living there. Kahit na mahirap mabuhay mag-isa sa murang edad, I have friends there to help me enjoy my youth. Mga kabataan na gusgusin... kaya... I love children.

"Saan ka pupunta?"

Napahinto ako sa pagpihit ng door knob nang marinig ang baritonong boses ni Xion mula sa likuran ko. My eyes quickly searched for Xion and saw him on a couch. Magulo ang kaniyang buhok at ang mata ay sumisigaw ang pag-kapagod.

Unveiling the vile behindWhere stories live. Discover now