prologue

3 0 0
                                    

i have a lot of baggage, breadwinner ako ng pamilya. iniwan kami ni mama nung bata pa ako, sumama siya sa ibang lalaki dahil simula nang maaksidente si papa, nahirapan na siyang makahanap ng trabaho. bata palang ako namulat na ako sa reyalidad, bilang panganay, ako ang tumayong ina sa apat ko pang nakababatang kapatid habang si papa, nagtitinda ng tinapa at daing sa talipapa.

naaalala ko noon, gigising ako nang maaga para intindihin ang mga kapatid ko pagpasok. isa-isa ko silang pinapaliguan at binibihisan saka naman ako magaayos. sampung pisong pandesal sa umaga at dalawang stick ng kape ang pinagkakasya namin, tuwing maaalala ko kung pano magreklamo ang kapatid ko na mapait ang kape dahil walang asukal, naninikip ang dibdib ko. tuwing gabi naman, tutulungan ko si papa na magbalot ng mga tinapa at daing para mabenta niya, ayos naman ang kita niya pero madalas, sapat lang para makakain kami sa buong maghapon.

madalas akong nagpapabayad sa mga kaklase ko tuwing pagagawa sila ng assignment nila sa akin, dagdag din yon sa pang baon namin ng mga kapatid ko. mahirap ang buhay ko noon nakakapagod pero maswerte pa rin kami dahil kahit papaano, hindi kami pinabayaan ni papa.

"aisha, ayos ka lang?", i flinched when someone tapped my shoulder.

"ha? oo", i faced my friend clueless.

"tulala ka kasi, parang ang lalim ng iniisip mo",  she gave me a glass of water.

"wala to, may naalala lang", i assured her.

"you can always tell me ha? btw anong plans mo sa valentines?", she giggled.

"wala, as usual. alam mo namang wala akong time sa ganiyan at isa pa wala namang nagkakagusto sakin, ikaw ba?", sagot ko.

"date lang with jed, and girl?? what do you mean na walang nagkakagusto sayo? may i remind you ha, marami akong bayarin hindi ko kailangan ng dagdag na gastusin", she mocked me.

"gastos lang kasi magkaganiyan", pagdepensa ko sa sarili ko.

"ate ko, jowa naman kasi tinutukoy kong hanapin mo hindi sugar baby! yung kaibigan ni jed single yon, blind date kayo", pamimilit nito.

"fine, isang beses lang to", lumiwanag ang mata niya at tumili.

"sorry po, sorry naexcite lang", she apologized after realizing na nasa office kami at ang iba ay nagtatrabaho pa.

hindi naman siguro masama kung bibigyan ko ng try yung ganito diba? pero pano kung mahulog ako at gawin niya sakin yung ginawa ni mama kay papa? paano kung iwan niya ako dahil lang sa hindi ako mayaman?

Call It What You Want Where stories live. Discover now