iii

6 0 0
                                    

nathalie,

alam mo bang hindi ko inaakalang makapagsusulat ulit ako ng mga tula? at ang nakakagulat pa ron ay hindi na tungkol sa pagkasira, kalungkutan at kamuhian ang paksa ko. the last time that i really wrote was years ago, gaya ng ibang manunulat nakaranas ako ng writer's block. kahit anong gawin ko walang salitang lumabas sa akin, masisimulan ng isang linya pero hindi na alam kung paano susundan.

i have been like that for years, nasusubukan kong sumulat kapag nalulungkot ako pero hindi ako satisfied, parang may kulang, parang may mali but when you happened, the first thing i did was to open my laptop, nakasulat ako dahil sayo habang pinapakinggan ang isip ng healy after dark. sinabi ko rin naman sayo na akala ko simpleng paghanga lang sa iyo yon. akala ko rin isang beses lang yon mangyayari pero hindi, nasundan nang nasundan hanggang sa mayroon pa rin hanggang ngayon.

i've tried to write for people who i loved before but they never appreciated the proses and poems that i did for them, sayo ko lang naranasan na ma-appreciate, it was a simple gesture pero for you, it's not just simple. it was a big deal, never a bare minimum. i was like finally, someone recognized me.

yung sinabi ko sayo na you are not the subject but rather the poetry, ganito kasi yan. poetry has been there with me every since, it had been my escape, kapag malungkot ako nandiyan siya, kapag masaya ako nandiyan siya. lahat ng mga bagay na hindi ko masabi sa iba ay nasasabi ko rito ng walang panghuhusga dahil malaya akong sabihin ang mga bagay na gusto ko at nararamdaman ko.

tuwing nagsusulat ako pakiramdam ko nasa isang tahimik akong lugar, naglalakad o minsan naman ay tumatakbo sa lugar na payapa at mahangin, tanging huni lamang ng mga ibon at agos ng tubig mula sa ilog.

ikaw ang paksa sa bawat tula at ikaw ang tula sa bawat paksa, gaya ng mga tula ko, masaya ako dahil malaya akong maging kung sino man ang ninanais ko. gaya ng mga tula ko, dinadala mo ako sa lugar na payapa, malayo sa makasariling mundo at mapagpanggap na mga tao gamit ang pagmamahal mo.  at higit sa lahat, gaya ng mga tula ko, nagiging maayos ako dahil sayo.

palagi kang magiging paksa sa bawat tula, palagi kang parte ng mga sinusulat ko dahil ang pagsulat ay pagmamahal sa taong sinusulatan, palagi kitang mamahalin.

you are my poetry, the thing that flows from within.

Call It What You Want Where stories live. Discover now