01- GPHP

32 2 0
                                    



"Ma, bukod kay papa kanino ka na inlove?" tanong ng anak ko habang nakaupo kami sa aming silungan, tabi lang ng puno. Tapos na kami sa gawaing bahay kaya nakapagpasya na kaming tumambay muna dito.


Ngumiti ako sakanya habang hinahaplos ang buhok niya.

Dumaan sa aking isip ang nakaraan kung saan una akong umibig sa taong gusto ako pero hindi pinersue....





....


"Hoy! Anong ginagawa mo dyan??? Malalate na tayo!" rica


Nasa dulo pa ang classroom namin habang nandto pa kami sa gitna. Sinama ko si Rica para magkunwaring makipag chismisan sa mga estudyante sa tapat ng classroom si Christian para masilayan ko lang siya. Ayaw ni rica pero nung sinabi kong ililibre ko siya mamayang recess ay agad naman itong pumayag.


Matagal ko ng gusto si Christian Mula pa noong junior high. Hanggang ngayon crush ko padin siya


"Wait lang Rica, oh! Bakit siya inakbayan ni ate Dianne?!" nagulat ako sa biglang nangyari. Naguusap lang ito kanina pero ngayon naka akbay na!

Wow hindi ko inaasahan yun!


Huli na ng makita iyon ni Rica dahil nakapasok na ito sa room. Inirapan niya ako matapos makita ang reaction ko.


Bagamat mabait itong si Rica, hindi siya tumututol sa kahibangan ko kay Christian pero lagi niya akong pinagsasabihan na wag masyadong umasa dahil ako lang din naman ang masasaktan.


"Tumigil ka nga Lisa! Hindi mo ba naririnig yung bell? Letche ka malalate na tayo ayaw mo pading umalis, ano dito nalng ba tayo? Wag nalng kaya tayong pumasok???" ginuyod niya na ako matapos sabihin iyon


Nagpatianod nalng ako sakanya dahil tama nga naman siya.


Walang pumapasok sa isip ko sa buong discussion kundi ang pag akbay ni ate Dianne kay Christian!

Bakit ko ba iniisip yun? Pake koba?

"Kita nalang tayo sa bayan ha? Sabay na tayong bibili para makapasyal din tayo hehe" nasa labas na kami ng school


May project kami sa science kaya kailangan naming bumili ng materials para doon. Nagkasundo kami na sabay namin iyong bilhin.


"Sige sige," tugon ko


Kumaway nalang ako habang naglalakad papalayo dahil magkaiba naman kami ng daan pauwi.


"Sakay na!! May dalawa tatlo pang bakante at aalis na!" sigaw ng konduktor


"Lisa, halika na" sabi ni Christian


Ako ba yung tinatawag niya? Seryoso?...


Hindi pa ako nakakabawi, bakas sa mukha ko ang pagka lito kaya tinulak niya na ako para makapasok doon


"hinihintay mo ako?" tanong ko


Bakit naman niya ako hihintayin? Para sabay kaming sasakay, ganon ba??


Lumingon siya sakin "Oo, hindi yun aandar paalis kung hindi pa puro ang sasakyan. I saw you going to that direction so, ayokong makipag siksikan sa loob ng hindi pa nakakaalis"


Unti unting rumehisto saakin ang sinabi niya. Sinampal ako ng katotohanan, napaka delulu ko naman

Akala ko talagang hinihintay niya ako



Sumakay nalang ako upang mabawasan ng kahihiyan...



Bakit pa kase ako mag eexpect ng ganun


Mabilis naman kaming nakasakay at sa pagkakataon nga naman mag katabi pa kami. Hindi ko maiwasan na lingonin siya pa minsan minsan, nasisikipan ako sa lagay namin ngayon


"Kaano ano mo pala si ate Dianne?" hindi na ako maka tiis



Kahit kunting interaction lang pls.... Para naman hindi niya isiping awkward akong tao


"Classmate" tinaasan niya ako ng kilay


Halata sa mukha niya na hindi niya iniexpect ang tanong kong iyon. Naghahanap ng explanation ng mata niya. Napalunok ako


Hindi ko naman talaga gaanong kilala si ate Dianne bukod sa matalino at maganda siya. Kilala siya ng buong batch namin


" ahh... Natanong ko lang kasi baka close kayong dalawa hehe"


Hindi na siya umimik or hindi niya ako narinig dahil sa ingay ng sasakyan



"mabait siya" he whispered


Napayuko ako dun. Bat bigla akong na lungkot? Because I know there's a possibility na magka gusto siya kay ate Dianne



Hindi naman ako achiever at talented. I'm just a normal girl studying at school, insecurities attack on me.


*Rica's Calling..


I immediately answer the call "Oh, Rica.."



"May sasabihin ako, hindi kita masasamahan bukas Lisa. I'm sorry birthday pala ni Lolo bukas kaya sasama ako sa pag handa. Pasensya na talaga nakalimutan ko" guilty niyang boses



"Ahyy okay lang, sige naiintindihan ko. Ako nalang bibili pati yung sayo bukas para wala ka ng problema" sagot ko naman


"Naku! Huwag na! Sinong kasama mo?? Mag isa mo lang jusme boring yun Lisa"  nag aalala niya pang sinabi


I rolled my eyes. "Okay lang yun. Kaysa wala naman tayong project noh!"


"Sorry na talaga...."

"okay lang sabe, sige na babye! " pagkatapos ay binaba kona ito


Nilagay kona ang aking cellphone sa bag at nagprepare ng perang pambayad mamaya


"Pupunta ka sa bayan bukas?" Christian

Natigilan ko saglit


Boba naman! Narinig niya pala ang pinag usapan namin ni rica sa phone. Malamang naka loudspeaker tsk


"ah oo. May pinapa bili kasing materials para sa activity namin, sabay sana kaming bibili nun kaso hindi natuloy" sagot ko kahit narinig naman niya kanina habang nag uusap kami


"sasama ako"



Ha?!!


Anong sabi niya??!! Ako? Sasamahan niya??

Gusto Pero Hindi Pinersue (Short Story) Where stories live. Discover now