04-GPHP

20 2 0
                                    

"Hi Lisa" nagchat si nic matapos akong inadd na messenger

Naka private ang fb account ko at iilang kamag anak ang mga friends ko, kasama si Rica. Matagal ng nasa friend request ko si nic pero sa sobrang busy ko hindi ko siya ma entertain. At hindi lang ito ang unang beses na nag chat siya sa messenger ko.

Lito ako kung iaaccept kopa ang message request niya. Ngunit sa huli ay pinindot ko ang accept

Dahil wala naman akong gagawin, tapos na lahat ng assignment ko at naka hilata lang ako sa kama ngayon. Ginawa kong pamatay oras ang pag reply sa mga chat ni nic sakin

Hindi naman ako nabigo dahil masaya naman siyang kausap at hindi kona namalayan ang oras! Almost 5 hours akong babad sa cellphone ngayon and it was the first time

"naka punta kana ba sa bagong bukas na resto bar malapit sa school? Opening niya lang kahapon. Tara? Don't worry sagot ko" Ani nic

"Ahy! Baka mahal dyan. Wag na magagastosan kalang"

"let me handle it. Ako naman nag aya eh... Basta ikaw"

Hindi na ako nag reply. Nagmuni muni pa ako saglit bago tuluyang nakatulog

Gumising ako at maagang pumasok dahil may program daw na gaganapin mamayang alas otso ng umaga. Usually pag ganitong event, busy ang lahat ng teacher sa pag prepare kaya walang klase ngayon.

"Lisa halika! Mag sulat lang tayo ng name natin para sa attendance tapos gala tayo!"excited na balita ni Rica sakin

"Gaga! Mamaya muna baka mahalata tayo nyan. Mag tambay muna tayo ng 30 minutes dito para naman makita nilang pumasok tayo. Lagot ako kay mama alam mo naman iyon"

Walang nagawa si Rica kaya sumama nalang siya sakin sa canteen para kumain at mag cellphone

*ting *ting

Sunod sunod ang tunog ng messenger ko kaya napabaling siya sakin. Kuryuso niya akong tinignan pero hindi na nagtanong pa.

"nandito ako sa tabi ng gate. Hihintayin kita" nic

"Rica may kukunin lang ako sa library ... Naiwan ko kasi yung ibang libro ko dun nung isang araw eh. Dito kalang ha" paalam ko sakanya

Inayos ko ang buhok ko, I let my hair down straight. Hindi naman ako nag sinungaling dahil totoo naman akong pupunta sa library but it's the short cut to the gate...

I feel like I'm trying to escape to my house just to go to the party. Napangiti ako, it's not like that. Gusto ko lang pag bigyan si nic after all he deserve to my attention

Tama nga ako dahil pagka lingon ko palang ay nakasandal siya di kalayuan. He's 5'8 tall makes him more manly at the same time. He also like at kpop idol, style and looks are very handsome. Nakakapag taka nga lang at kay Christian ako nagka gusto.

Lumiwanag ang itsura niya ng makita ako. Umayos din siya ng tayo at pumunta sa diretsyon ko.

"kanina kapa dyan?" tanong ko

"Nope, umalis na kasi siya Marco. Inaaya pa akong mag computer but I declined. Sabi ko may lakad pa ako" kumindat pa ito sakin sabay ngiti. Ang grupo ni Marco ay kilala sa mayayaman ngunit bulakbol sa school

"Grabe ka din eh noh... Ginawa mo pa akong excuse" naalala ko agad ang ginawa kong pag takas kay Rica. Napangiti nalng ako

"It's not like that Lisa, ayoko nadin talagang sumama sakanila" he looked sincere



Gusto Pero Hindi Pinersue (Short Story) Where stories live. Discover now