C A P I T O L O I⏳

8 2 0
                                    

LATE

"SHIT!"

Malakas akong napabalikwas sa kama at tiningnan ang orasan.

7:15 A.M

My eyes widened when I realized I only have 15 minutes before the first period!

Dumiretso na agad ako sa banyo at halos limang minuto lang ako naligo. Matapos ay sinuot ko ang uniform at bumaba sa kusina.

"Manang, sila Mommy po?" Tanong ko sa kasambahay.

"Maaga ang flight nila ng Daddy mo, hija. Kaninang alas tres ng umaga." Sagot nito.

"Ah sige po." Nagpaalam ako Manang habang kagat-kagat ang isang piraso ng apple.

"Ihatid na po kita ma'am."

Agad akong pumasok sa kotse. Actually, I jog going to school. It's also a part of my training as a taekwondo player. At dahil sobrang late ko na, mas mabuting magpahatid na lang.

Tumingin ako saking relo. 7:30 na. I started fidgeting. Damn. It's my first time being late. Napuyat kasi ako kagabi kaka-kdrama eh. Pa'no ba kasi, nakakabwisit ang pinanood ko, ang drama. Nakakabitin pa pagkatapos ng episodes palaging may cliffhanger. Ayan tuloy, tinapos ko ang 20 na episodes.

Natigil ako sa kakaisip ng huminto ang sasakyan.

"Naku, ma'am. May naputikan ata tayo." Ani Kuya na mukhang namroblema.

Napalingon ako sa bintana at may nakitang lalaking nakayuko, natulala pa siyang nakatingin sa damit niya. Ang daming putik sa polo niya! Ba't ba kasi hindi siya lumayo ng may nakita syang sasakyan?

"Ah, Kuya. Dito nalang ako bababa, malapit naman ang school. I should at least pay his laundry." Saad ko.

"Sige ma'am." Tumango naman si Kuya.

Nagpasalamat ako at lumabas sa sasakyan. That young man was staring at me. What caught my attention first was his gray eyes. It was very unique. Nang tiningnan ko ng buo ang kaniyang mukha, he's handsome, I admit. He looks foreign, especially his eyes. He has a straight nose that complimented his reddish lips, and his almond-gray eyes makes him look strict together with his thick brows that were furrowed while looking at me. He looked like a bad boy in his buzz cut that came out straight from a book.

"Oh, I'm sorry about the mud. Hindi naman sinadya ng driver ko na putikan ka. Here." Inabot ko sa kaniya ang isang libo. "I'll pay for your laundry."

Lalong kumunot ang noo niya. Tiningnan niya ang inabot kong pera at tumingin sa akin.

"Do you think money can solve everything?" Tanong niya.

"What?" Tumaas ang kilay ko.

He murmured something and walked passed me.

That was rude! Edi bahala siya! Mas madali kapag laundry eh, arte. Umirap ako kahit alam kong wala na siya at naglakad patungo sa likod ng school. Kapag dumaan ako sa gate, for sure detention ang sasalubong sa akin.

Napamura ako habang pinagmasdan ang mataas na pader ng Castellano High.

Kaya ko kayang akyatin yan? Ang taas! Bwisit naman oh! It always works on kdrama and Wattpad though. Tapos matapilok raw ang babae at sasaluin siya ng kaniyang crush, ang famous bad boy ng school. Kalaunan ay mahuhulog ang lalaki sa babae at aawayin siya ng campus queen dahil gusto niya ang lalaki.

I covered my mouth to stiffen my laugh. Ano ba yan self. Kaka-wattpad at kdrama mo yan. Pero wala namang mawawala kapag i-try ko diba. I hate detention. Ang init kaya do'n, walang aircon.

Timeless Tales Of LoveWhere stories live. Discover now