Chapter 45 - Catch You (October 02, 2018)

96.1K 2.4K 717
                                    

#IHK45

"Mia, mia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mia, mia."

Marahang dami ng kamay sa pisngi ang gumising kay Miala. Noong una na-disorient siya kung nasaan siya at sa nakikita niya dahil hindi niya namukhaan si Sandro.

"Uy!" Bigla siyang napabangon. "Sorry sorry." Pinunasan niya ang paligid ng mga mata niya at bibig. Hindi niya alam kung gaano katagal siya natulog pero parang busog na busog ang mga mata niya.

"Ba't ka nagso-sorry. Pinapagising ka lang ni Andy. Gabi na daw kasi."

"Ha, bakit. Nasaan ba siya?"

"Ah. Nasa labas." Napapangiting sagot ni Sandro. "Ayaw pumasok eh. Sumilip lang tapos, gisingin na daw kita. Dinner na rin kasi."

"Ah ganun ba?" Inayos ni Miala ang sarili niya. "Sige lalabas na."

Tinignan ni Mia ang sarili niya sa salamin at nakumpirmang namamaga na ang mata niya. Sobrang tagal nga yata niya natulog. At saka niya lang naalala ng buong-buo lahat ng nangyari sa kwartong ito bago siya nakatulog.

"Oh my god." Parang biglang sumakit ang ulo niya. Parang kanina lang, nage-eksperimento sila ni Andres sa paghalik. Halos madala na sila, nang bigla na lang itong lumabas. Rather, tumakas.

"At ngayon ayaw niya pumasok ah. Pinapasok niya pa talaga dito ka-banda niya para gisingin ako ah. Natatakot ba siya sa'kin? Ako ba talaga 'yung nang-ano dito?" She laughed as she deduced list of reasons why Andres refused to wake her up. Matapos siyang mag-ayos ng sarili, pinagmasdan niya ulit ang kwarto. Oo medyo magulo ito, pero hindi naman madumi. May mga scrub suits pa sa may sampayan sa gilid na hindi niya alam kung kanino. Nakahilera din dito ang ilang iba't-ibang kulay na tunic. Sa isang banda, may naka-hanger na puting overall.

Maya-maya, lumabas na rin siya.

Ang dinatnan niya ay isang makeshift dining table na wala naman kanina doon. Miala realized na pinagdugtong-dugtong lang ng mga ito ang mga side table at nilagyan ng mantel.

"Oh, oh. Mia upo na. Andy lika na lumabas na si Mia."

Nakita ni Miala na naka-apron pa si Andres at nakatalikod sa kanila at mukhang nagluluto pa. Hindi nga ito nagsinungaling. Nagluto nga ito.

"Ands, huwag mo nang haluhaluin 'yang tocino, kanina pa 'yan luto, huwag kang matakot kay Mia." Ani Jude na nakaupo sa kabisera.

"Ba't matatakot sa'kin?" Tumaas naman kilay ni Mia.

"Eh, baka kasi pagsamantalahan mo daw siya." Sagot ni Amiel habang papunta na si Andres sa lamesa nila dala-dala ang maraming-maraming tocino.

Nagtawanan ang McDodo sa sinabi ni Amiel.

Nararamdaman na ni Miala ang pamumula niya. Parang gusto niyang sugurin si Andres at magalit dito. Pero nagsalita ito na parang nagagalit na rin.

"Shut it!

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon