Chapter 66 - It's gonna be me (December 8, 2018)

15.5K 534 223
                                    

#IHK66

Mugtong-mugto ang mga mata ni Miala nang makauwi nang umagang 'yun

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mugtong-mugto ang mga mata ni Miala nang makauwi nang umagang 'yun. Halos hindi niya alam kung pagod lang ba talaga siya, o sadyang wala na siyang maramdaman, o ayaw niya munang makaramdam matapos ang emosyonal na pagpapaalam kay Tom.

Kaya pagbaba niya ng motorsiklo ni Andres, hindi pa man siya nakakapagpaalam dito, naglakad na siya papasok sa loob. Dahil dito, hinawakan ng lalaki ang kamay niya para pigilan siyang umalis. Agad siyang napabalik sa dating kinatatayuan sa tabi ni Angelina.

"Huh?" Nagulat siya sa biglang paghila sa kanya. "I'm sorry. Kailangan ko ng pumasok."

Ngumiti si Andres at tumango.

"I know. But I'll have to get you out of this, first." Dahan-dahan nitong inalis ang pagkakakabit ng helmet niya.

Hindi pa pala niya ito natatanggal.

"Sorry..."

"Okay lang. Ako naman talaga nagtatanggal nito."

"Hindi, I mean—"

"I know." Ngumiti si Andres. They both knew she was saying sorry not just for the helmet, but for being absentminded "Just rest first okay?"

"Matutulog lang ako saglit. Sobrang saglit. Pero babalikan ko si Janey mamaya."

"I'll come with you, okay?"

Tumango si Miala as she tries to smile. Kung ibang tao 'to, ang tatanungin pa siguro siya if she wanted him to come with her. And of course she will just say no, thinking makakaabala siya dahil magpa-power nap lang naman talaga siya and maybe it would be best to go alone.

But Andres is assertive himself. Although it sounds like a question, at tinatanong pa rin sa kanya if it's okay with her, he's clearly made his decision.

"Okay, if it's also okay with you."

"Of course it's okay with me. I'm friends with Tom, too."

Tumango-tango si Miala.

"Alright. Salamat ah..." She extends her hand to hold his. "Sobrang salamat, kasi nandiyan ka."

"Nandito ako. Kasi nandiyan ka."

Miala held Andres' hands firmly. She feels undeserving of anything of his grace, but she also feels grateful. In a jiffy, she hugged him bago tuluyang pumasok sa condo.

Pagkalabas niya pa lang sa elevator on her floor, she already know something's wrong. The doormat in her condo unit was intentionally angled the wrong way. Ayaw niya kasing mabasa ng mga tao ang maling spelling sa "welcone" na embroidery niya.

Pero ngayon, nakaayon ito sa pagpasok sa pintuan.

"Ah." She sighed. "Alam niyang nandoon si Mindy sa loob. "Of course..."

I Heart Kuya (Completed, 2019)Where stories live. Discover now