Chapter 20 - What really happened (July 31, 2018)

166K 3K 615
                                    

Iyak ng iyak si Miala. Hindi niya alam kung bakit, pero gusto niya lang ilabas ang sama ng loob niya.

"It's okay. It's okay boks." Dahan-dahan siyang sinakay ni Riley ng taxi na inarkila pa nito sa Manila. Ang totoo, wala talagang ma-book si Riley so he went out of his way kahit na ang lakas ng ulan, para parahin ang taxi na nakita niya, papauwi na ang driver na ito, pero nang offeran niya ng 3k para papunta at pabalik ng Antipolo-Manila, pumayag na rin ang driver.

Ang hindi nila alam, kasunod, nila ang sasakyan ni Lenard na pauwi na rin ng Maynila.

Alam ni Riley na hindi niya pwedeng iuwi si Miala ng ganitong lusak. Papagalitan siya ng nanay niya kapag nalamang nagpakalungo ito sa alak, kahit pa red wine pa ito. So, he thought for the better.

Pinagpaikot-ikot niya ang taxi at sinabing dadagdagan ang ibabayad niya. Pero sa pang-ilang ikot, nagreklamo na rin ito.

"Sir, mga ilang beses po ba tayo iikot, kasi po, may pamilya din ako na uuwian."

Nakaramdam din naman si Riley, sinabihan ang driver na idiretso na ng Maynila.

Dito na nagngangawngaw si Miala.

It's her honesty hour. Si Riley pa ang naabutan nito, and this is something he had never experienced before.

"Si Angeli? Kaibigan ko? Bestfriend ko 'yun eh. Sa katunayan, mas matagal pa kaming magkaibigan kesa kay Jane."

Kahit ang driver ay nagulat sa biglang pagsasalita ni Miala.

"Sabi ng mga tao, bad influence daw siya. Malandi daw. Ang sa'kin lang dati, maarte lang siguro siya. Choosy. Mapili. Alam niya kasi ang worth niya. Pero ang tanga ko! Sobrang may halo effect lang kasi siya dahil nga bestfriend kami. 'Di ko rin alam kung bakit? Basta pagtapos naming maging top 1 and 2 dati sa class ng grade 2 yata 'yun, bestfriend ko na siya."

Hinayaan lang siya ni Riley.

"Hanggang sa isang palala na siya ng palala. Dati sobrang bilis niyang magpalit ng boyfriend. Ang daming nagsasabi sa'kin, ang landi daw ng bestfriend ko. Daming nagrereklamo na inagaw daw sa kanila boyfriend nila. Siyempre pinagtatanggol ko siya!" May halong sinok pa na sagot ni Miala. "Sabi ko, di naman siguro sasama 'yung boyfriends nila kung wala ding gusto kay Angeli. Sa isip-isip ko, ang ganda kaya ng bestfriend ko. At saka kung mahal talaga sila ng mga jowa nila, di sila iiwan, kahit gaano pa kaakit-akit 'yung taong 'yun."

"Pero wala eh. Mali ako."

Kahit ang driver ay patingin-tingin na sa rear-view mirror at nakikinig sa mga sinasabi ni Miala.

"Nung una akala ko hunch lang. 'Di ba B.I. nga siya. Dinala niya ako sa isang naughty games underground party. Parang ano 'yun, parang grupo ng mga taong gustong maglandi. Imagine 'yung mga laro? 7 Minutes to Heaven. Suck and Blow. Para sa mga kabataang nalilibugan!"

"Huy." Sinuway na siya ni Riley kahit papaano.

"Ay, sorry, sorry. SPG. Pero basta. Doon ko nakita si Lenard ulit. Balw 2ndtime na naming magkita 'nun boks, manong driver. 2ndtime, pero hindi ko pa alam pangalan niya. Eh hinalikan ko siya nung first time sa bus, kaya sobrang nahihiya ako sa kanya 'nung oras na 'yun."

"H-ha?!" Hindi alam ni Riley kung maniniwala ba siya sa pinagsasabi nito. Hinalikan? Hindi pa kilala.

"Pero etong makating si Angeli. Nagwapuhan ang gaga! Pinagtuturo 'yung gwapo daw na lalaki. Eh umiiwas nga ako kaya hindi ko sinabi na, hoy, ang dibs dibs ka diyan! Mas una ko siyang nakilala. Kaya 'yun, all the while convinced siya na siya talaga ang unang naka-spot sa hottie. Oo, manong driver, hottie po ang ginamit na term ni Angeli? Yes, mga kaibigan, ilan taon kami non? 13 years old? Halos kakasimula lang siguro magregla ni Angeli tapos kung maka-hottie, sobrang haliparoooot!"

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon