After Dark

1.4K 25 10
                                    

Mahilig kami sa nakakatakot at madalas kaming mag "Ghost Hunting". Popular ito sa mga estudyante lalo na ang mga highschool students. Pero ang pinagkaiba namin sa kanila, sila ang ginagawa nila ay for fun lang. Pero kami ay may "Gift". Third eye at 6th sense at kung anu-ano pa. Sounds weird but true. Isa pa mga scouts kami at authorize kaming magstay sa school grounds ng hanggang 7pm ng gabi.

Marami na kaming nakita or naexperience tuwing nagstay kami sa gabi. Pero ang hindi naming makakalimutang encounter ay noong nagcamping kami inside school.

Investiture ng mga bagong scouts (mga bata at mga bagong registered scouts) nung umagang yon, at nakaschedule na magcamping overnight ang mga highschool. Mga officers ang nagorganize at naghanda ng activities for the whole overnight camping.

Maagang natapos ang investiture at day camp ng mga bata, expected kasi namin mga 1 pm pa ito matatapos pero 11 am palang ay tapos na ito. So ibig sabihin, marami pang time ang pagpeprepare para sa overnight camping.

"SCOUTS HUMANAY!" Sigaw ni Angelica ang pinaka-Senior Crew Leader ng Girl Scouts. Pero sumama na rin ang mga Boy Scouts sa form.

"Scouts, yung mga gusto umuwi pwede kayong umuwi pero at 4pm dapat nandito na kayo. Officers, maiwan. Yung mga gusto magstay pwede niyo kaming tulungan maglinis. Ok?"

"Yes ma'am." Sagot ng mga scouts.

"Scouts! Take my command." Si Ronald, Senior Crew Leader ng Boy Scouts. "Tumiwalag.. Na!"

"Salamat po ginoo!"

Naguwian ang mga bagong scouts dahil hindi pa nila dala ang mga gamit nila. Habang ang mga officer at ibang scouts naman ay naglunch muna sa tapsihan na nasa likod ng school.

Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna kami sa isang classroom.

5 ang building sa'ming school. Pagpasok ng guardhouse, sa gilid nito ang 4 na classroom ng grade 5 at 6. Tapos katabi nito ang 2 floors building, sa baba ang room ng grade 4, at sa taas naman ang admin at computer room. Andito din ang gate na may access papunta sa annex building ng school, para sa mga kinder hanggang grade 3.

Tapos ang hilera ng school clinic. Nandito ang computer lecture room, CAT headquarters at isang classroom ng 4th year. Sa kanang bahagi ang 2 storey building ng highschool. Dalawa ang hagdan paakyat, isa sa dulong kanan ng mga room. Katabi nito ang girls' cr. Tapos 4 na classroom. Sa dulo, katabi ng isa pang hagdan ang Scouts HQ. Pagakyat sa taas may 3 pang room at sa dulong bahagi ay ang library.

Katabi ng building ay ang isa pang room, ang lab at ang canteen. May 2 pang classroom sa gilid ng canteen tapos ang PE room at ang gym.

Sa harap ng highschool building ay ang 3 garden. Tapos ang malawak na school grounds. May catwalk din kami, (muka siyang mahabang bus stop at magkabila ang bench nito).

Nasa taas na classroom ang mga gamit namin, sa gitnang room. Sa babang classroom naman kami nagpahinga, katabi ng Scouts HQ. Mga nasa 18 kaming natira. Ng makapagpahinga na kami ng mga 30 minutes.

School Hours in Saint Francis of Assisi College SystemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon