Villa De Oro (Reawakening)

379 9 0
                                    

After almost 13 years, nakabalik ako sa Villa De Oro Tagaytay. When I alighted the bus with my friend, nakaramdam agad ako ng pagkakilabot. But not in a bad way. I guess, yun lang yung way nila para i-welcome back ulit ako after so many years.

Hindi pa rin nagbabago ang aura ng retreat house. Especially kung nasaan ang mga dorms na tutulugan namin mamaya. Creepy, dark and cold. Ngayon at isa na ko sa mga facilitators, hindi na ko natatakot pa sa mga kwento rito. Immune na rin siguro ako sa lahat ng naranasan namin.

We led the students sa session hall kung saan ilalatag ng mga senior facilitators ang mga house rules para sa mga estudyante while they stay here in Villa de Oro. Nakakatuwa lang balikan lahat ng alaala at kwento sa lugar na ito.

Normal lang buong orientation hanggang sa pagmimiryenda. Pagkatapos kumain ay bumalik na agad kami ng session hall para maumpisahan na ang unang activity.

Habang iniipon ang lahat ng mga bata, busy ako sa pakikipagkwentuhan sa aking kaibigan at nakaupo kami sa dulong parte ng session hall sa ibabaw ng mahabang lamesa. Nakatingin ako sa may labas ng mga oras na yun, but from the corner of my eye, (at dahil nakaupo na ang mga bata) nabigla ako ng may makita akong isang babae na may kasamang batang babae na naglalakad sa may harap. Napatingin agad ako at dahil may salamin ako, hindi ko na sila napansin pa. Kaya naman, I took a picture, pero walang nagregister sa photo. But I'm very sure na nakita ko silang naglakad from the center of the room papunta sa may bintana. Ito ang dalawang spirit na madalas makita dito sa session hall.

Nagstart na ang mga activities kaya naman nawala na ang aking atensyon sa mga kababalaghan, not until matapos ang session at nagdidiscuss ang mga estudyante sa session hall about their favorite activities. Yung 2nd chandelier from the end of the hall, one of its light flickered. At the same time, nagkaroon ng problema about the number of students. Lahat kami ang alam namin, 81 students ang kasama sa retreat, but they keep on counting 80. Hindi nagtatally ang dalawang adviser sa pagbibilang, kaya naman nagpahead-count na agad sila.

Sa loob-loob ko, napaglalaruan na sila. Paano naman kasi, ang gugulo ng mga estudyante, dahil na rin sa nag-eenjoy sila sa activities. Ng magtally na ang lahat, sabay-sabay kaming nakahinga ng malalim. At kahit ang manager ng Villa de Oro ay nagcomment na, he said.. "Kinopyahan na kayo." With a smile on his face. Madalas kasing mangyari ito sa mga nagreretreat dito. Minsan kulang, minsan sobra. It's just the way of the spirits na iparamdam na nasa paligid lang natin sila.

After that, nagstay na kami ng aking kaibigan sa may dining area kasama ang ilan sa mga administrators ng school. Lahat kami, absorb na absorb sa mga paranormal stories. Katulad namin, sila din pala ay may ganung experience.

One time, isa sa mga administrators ay nag CR sa common comfort room sa labas ng retreat dorms. Mag-isa lang siyang pumasok sa loob habang ang kanyang kasama ay nasa labas para hintayin siya. Habang nasa CR siya ay bigla nalang daw nagbukasan lahat ng shower sa loob. To think na mag-isa lang siya. (This happened to us a long time ago). Dali-dali siyang lumabas at sinabi niya agad sa kanyang kasama ito.

"Sabi sa'yo eh. Hindi ako nababaliw! Meron talaga dito!"

Ever since that time, ayaw na niyang mag-CR mag-isa sa loob nito.

Isa pa sa mga experiences ay ang experience ng aking kaibigan. Malakas rin kasi ang kanyang gift pagdating sa bagay na ito. At mas matapang siya sa'kin pagdating sa mga bagay na ito.

Madalas kasi pagkatapos ng Saturday batch, mag-isa siyang natutulog sa loob ng retreat house. Especially sa master's bedroom kung saan malakas ang mga activities. One night, doon siya natulog at nakarinig siya ng babaeng umiiyak and then biglang tumawa. At dahil sa matapang siya, ang tanging sagot niya lang ay "Hai nako. Wag ako." In that instant, tumigil ito at hindi muling nagparamdam pa sa kanya.

Ng marinig ito ng isang staff ng VDO, nagkwento na siya.

Nung panahon ng hapon, isang malaking bakanteng lote itong kinatatayuan ng VDO. At doon banda sa may CR at shower area ng girls and boys ay nakatirik ang isang maliit na kubo. Sa ilalim nito ay isang ilog na rumaragasa ang tubig.

May mag-anak na nakatira sa kubo na ito at may napakaganda silang anak. Sa sobrang ganda nito ay marami ang nagnanasa sa kanya.

Isang araw ay may nagsamantala sa kanya. Pagkatapos magpakasasa ng lalake sa katawan ng dalaga, pinatay niya ito at itinapon sa ilog. Nakita nalang ang katawan nito sa kabilang dako, na ngayon ay ang bahay pari na tinatawag. (Kung saan nagse-stay ang ibang mga facilitators)

Marahil, ito ang babae na nagparamdam sa aking kaibigan. Sabi nga ng isa sa mga facilitators, sila yungg mga ligaw na kaluluwa na hindi matahimik. Na hindi pa nila alam na patay na sila. Gumagala sila sa ating mundo sa pag-aakalang, sila'y buhay pa. Sila yung mga kaluluwa na kailangan ng dasal.

Kaya kapag may marinig o maramdaman kayo, kausapin niyo lang sila at ipaalala ninyo sa kanilang patay na sila and they have to find the light. Ipagdasal nalang natin ang kanilang kaluluwa.

School Hours in Saint Francis of Assisi College SystemWhere stories live. Discover now