Knock knock

344 8 0
                                    

As a treat to my fellow Franciscans. Here is another event that happened last retreat of Grade 11 - STEM and GAS 1.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

We finished our session at 10 pm at mga 10:30 pm na nakaakyat ang mga grade 11. Dahil marami ang babae, sila ang nag-occupy ng attic, while ang mga lalake naman ang nag-occupy ng master's bedroom at dorm 1.

Nasa master's bedroom ang mga STEM at 10 na lalake ng GAS 1. At dahil naroon ang mga gamit ng ibang teachers, pumasok ako at kumuha ng aking unan at kumot. At dahil nandoon na rin ako, inayos ko na rin ang aking gamit.

Nasa tabi ng aming kabinet at pintuan ng CR ng master's bedroom.

Habang nag-aayos ako, nakikipagkwentuhan ako sa ilang mga estudyante at pati na rin sa isa sa aming mga admin. Matagal rin kaming nagkukwentuhan. Mga 10 minutes.

I was thinking that time na baka may magparamadam dito ngayon sa master's bed. Specifically, sa CR. Pero naisip ko lang naman. Hehe.

Then lumabas ako ng kwarto ng walang paalam at nag-stay sa upuan sa corridor sa labas ng master's bed together with the boys of GAS 1. Masaya kaming nagkukwentuhan at nagtatakutan.

After 15 minutes, bumukas ang pinto ng master's bed at lumabas ang aming marketing officer. Agad niya akong tinawag at kinausap.

"May sasabihin ako sa'yo." She said. Halatang hindi pa siya nakakarecover sa nangyari sa kanya. Ramdam ko ang takot niya sa kanyang tingin.

"Ano yun ma'am?" Maski ang ibang estudyante na kasama namin sa may corridor ay naghihintay sa kwento niya.

"May nangatok sa'kin." She said with a nervous smile.

Ah! Sabi ko na nga ba eh. Sabi ko sa sarili ko.

"Bakit ma'am anong nangyari?" Tanong ko.

"Akala ko kasi nasa loob ka pa. Kasi di ba nagkukwentuhan tayo habang nag-aayos ka ng gamit?"

"Ma'am, lumabas din ako. Yun nga lang hindi ako nagpaalam." Sagot ko.

"Yun nga. Eh, akala ko ikaw yung nasa loob ng CR. Ganito kasi. MagCCR ako sana, kaso pagtayo ko sa harap ng pinto ng CR, nung buksan ko yung pinto, nakalock naman. Then narinig ko na may gumagamit ng shower. So akala ko ikaw yung nandudoon, kaya hinintay kitang lumabas. Pero, sabi nung isang estudyanteng nakakita sa'yong lumabas, walang tao dun. Pero paanong wala eh rinig na rinig ko yung lagaslas ng tubig." She said.

Nako. Napaglaruan 'tong si ma'am. Bagong salta lang kasi eh. Sa isip-isip ko.

"Eh kaso, napakatagal mo na. Kinatok ko yung pinto kung talagang may tao, then kumatok din naman yung nasa loob so I tried to wait a bit more. Pati yung mga bata nagtataka na dahil sabi nga nung isa eh lumabas ka. Kaya si Ma'am na ang nagtry na magbukas ng pinto ng CR. It was unlocked and no one was inside." I can see her shiver. "Wala namang tao sa loob. Pero rinig na rinig ko yung lagaslas ng tubig na parang may nagsha-shower sa loob."

Ngumiti ako. "Ma'am, bago pa nangyari sa'yo yun ma'am naisip ko na yun. Na may mangangatok sa'yo. Ma'am, kapag ganun. Wag ka nalang kakatok. Kasi mahilig talaga silang mangatok dito." Paliwanag ko.

"Oo nga eh. Sa takot ko, hindi na ko nakapagshower. Hilamos at toothbrush nalang ang ginawa ko." She said with a nervous laugh. "Sabi pa naman ng anak ko, nagtext kanina na mag-ingat nga daw ako dito sa master's bed dahil nga active nga daw dito."

"Oo ma'am. Sa lahat ng kwarto dito sa retreat house, ito ang pinakaactive sa lahat."

"Kaya nga eh. Dati hindi ako naniniwala. Pero ngayon, ako mismo nakaranas. Ewan ko ba!"

Natawa kaming dalawa. At ng kumalma siya. Pumasok ulit siya ng master's bedroom.

After 10 minutes, sumilip ulit ako sa loob ng master's bedroom. At dahil nga sa nangyari, ng makita ako ng mga estudyante, tinanong nila ako.

"Ma'am! Nag CR ka ba kanina?" Tanong ng isa.

"Oo. Bakit? Nagshower ako kanina eh." Sagot ko. Para lang hindi sila matakot.

"Hindi nga ma'am?" Tanong ng isa pa.

"Oo nga!" Pag ngiti ko. "Nung kinatok nga ko ni ma'am, kumatok ako pabalik eh."

Nagtawanan sila. "Ah kaya pala ma'am pagbukas ng pinto walang tao." Sagot ng isang bata na nakaupo sa harap ng CR.

"Hindi niyo lang ako napansing lumabas." Pag ngiti ko.

Pumasok ako ng kwarto at hinanap ko ang luya na nasa loob ng damit na pinagpalitan ko.

"Ma'am!" Pag ngiti ko kay ma'am ng iabot ko ang luya sa kanya.

"Ma'am! Ano yan? Luya?!" Pagpansin ng iba.

"Hindi! Kendi yun! Kayo nga ha! Intrigero kayo! Matulog na kayo! Mga 'to talaga."

Nagkangitian kami ni ma'am.

But I know for sure, there was someone with them. Paano naman kasi ang ingay nila. Pinapatahimik lang sila ng mga nandodoon dahil nabubulahaw sila sa ingay ng mga estudyante.

School Hours in Saint Francis of Assisi College SystemWhere stories live. Discover now