EPILOGUE

5K 105 48
                                    

Dedicated to: AgentCyrille



Hi girl! Deserve mo tong dedication kasi ano hahaha beastmode ka kay Patricia. I love you forever!



Bigyan niyo naman ako ng advices, suggestions at comments niyo! hehehe you can pm me or visit my mb or simply comment nalang! Hahahaha lavyu all din forever!!!


_______________________


T H I R D P E R S O N ' s



"Doc! Doc!"



Tanging tinig lang ni Min ang naririnig ni Patricia.



Unti unti niyang minulat ang kanyang mga mata.



Kahit medyo malabo ay nakita niyang nasa isang madilim na kwarto siya. Tinig ng life line machine ang kanyang naririnig at maraming mga kung ano ano ang nasa katawan niya. May oxygen at naka berdeng damit siya.



Kahit siya'y nanghihina ay nagawa niyang hawakan ang kamay ng kanyang ina.



Dumating ang doktor at nagusap sila. Di maintindihan ni Patricia ang pinaguusapan ng dalawa at naguguluhan pa sa sitwasyon.



Maya maya ay nilipat siya sa isang kwarto.



Medyo nakakuha na rin siya ng lakas.



Umupo ang kanyang ina at ngumiti sa anak niya.



Unti unting natauhan si Patricia at naalala ang lahat.



"Ma? Anong ginagawa ko dito? Anong nangyari?" Naguguluhang tanong niya sa kanyang ina.



"Mahigit 2 taon kang nacoma anak." Mangiyak ngiyak na sabi ng ina ngunit nakuha niya pa ring ngumiti.



Mas lalong naguluhan si Patricia sa kanyang narinig.



"Po? Si Alton? Si Ella? SI ROUGH?!" Paghehesterical nito.

His Unfaithful Wife [Kathquen and Kathniel] FINWhere stories live. Discover now