Chapter 26

5.5K 112 68
                                    

Dedicated to: bellagatmen



Oha bumabawi ako araw-araw na update kasi ano sembreak naman so okay lang hehehe hi :)



Warning: Prepare your tissues. (sorry sabog hahahaha warning daw) You can interact with the characters in twitter, in character sila don't worry. :) Visit my profile if gusto niyo makita yung official accountse yun lang enjoy. 

_____________________________________

D  O  M  I  N  I  C ' s



"MA'AM PATRICIA!" 



Napalingon agad ako sa sumigaw.



Bigla akong kinabahan ng nakita ko ang mga nagkukurumpol na tao sa isang parte ng venue.



Agad ako napatakbo at nakipagsiksikan dun.



Parang nanghina yung mga buto ko ng nakita kong nakahiga si Patricia sa sahig na walang malay.



"Anong nangyari dito?!" rinig kong sabi ni papa.



"Ah ewan po a-ano kasi po katabi lang namin si Ma'am Patricia tapos bigla nalang pong nahimatay." sabi ng isang babae.



"Myma. Wake up!" kita kong kuyog ni Ella. Alam kong nagaalala din siya.



"Don't you just stand there! Di si myma!" 



Automatic ko namang kinarga si Patricia at tinakbo sa pinakamalapit na hospital.



"Umupo ka nga muna Dominic. Kami'y nahihilo na sa'yo." Sabi ni mama.



Paano ba naman di ako magaalala. Di ko alam ang nangyayari sa asawa ko. Di pa naman kami ayos sa huli naming paguusap. Nagaalala lang naman ako kasi baka may sakit siya.



Minsan kasi nakikita kong sumusuka siya, madalas ang pagsakit ng ulo niya at rapid change of moods. Baka nga di siya okay.



"Taha na Ella. Shh." comfort ni Julie sa anak ko. Kanina pa kasi siya umiiyak.

His Unfaithful Wife [Kathquen and Kathniel] FINWhere stories live. Discover now