Chapter 2

24.1K 164 14
                                    

Dedicated to: blackangel_26, thanks for supporting my stories!



___________________________________________________________________

P A T R I C I A ' s



Dinilat ko ang mga mata ko at umupo muna. Napalingon naman ako sa katabi ko.



What should I expect? Unan and bed sheet? Ganyan naman yan palagi, di mo mamalayan na may katabi ka. Late na nga umuwi, ang aga pang umalis.



Pumunta na ako sa CR tsaka nagready na. Pagkatapos na pagkatapos ko ay bumaba na ako and I found nothing well except for manang.



"Nay, asan na si ella? Si Dom?" tanong ko tsaka umupo na sa dining table.



"Anak, eh pumasok na si Ella may recital daw sila ngayon. Si Dom nalang, ewan ko rin." Sabi ni manang.



Tumayo na ako at papalabas na sana ng.



"Anak, di ka ba kakain? Isang slice bread lang ang kinain mo. Uminom ka muna ng kape." Sabi ni Manang



"Ah nay, nawalan na po ako ng gana. Sa opisina nalang ako kakain." Cold kong sabi.



Wow ha! Ngayon ko na talaga maco-confirm na nag-iba na ang asawa ko! Ay mali parang di ko na nga siya asawa eh, he's like a stranger but sleeping beside me na kahit ako di ko alam kung umuuwi pa yun. 5 years ago, we're so young and in love with each other. Pero anong nangyari ngayon ayun nakasubsob sa trabaho. Palibhasa trying hard na magpa-impress sa tatay niya. Sarap tirisin ng nail cutter.



Paglabas na paglabas ko may nakita akong petals na nakakalat sa floor. Teka? Naglinis ba si manang? Kaloka ha! Pero, parang may way eh. Siguro ito yung nagpakalat. Pagmakita ko yun kakasuhan ko yun ng trespassing, nagkalat pa.


"Kung inaakala mo, ang pag-ibig ko'y magbabago. Itaga mo sa bato, dumanan man ang maraming pasko. Kahit na kumulubot ang balat, kahit na hirap ka nang dumilat, kahit na di mo na abot ang sahig, kahit na di mo na ako marinig ikaw pa rin, Ang buhay ko."



Geh, kanta lang.


"Oh? Ang aga aga nambubulabog ka ng kapitbaha. Sayang oras ko dito. Ayusin mo tong kalat mo." Eh sino pa ba nakita ko? Si Dom may dala pang gitara. Sarap ipokpok sa kanya.

His Unfaithful Wife [Kathquen and Kathniel] FINWhere stories live. Discover now