Chapter 21

118K 936 120
                                    

CHAPTER 21:

ANGELIE’s POV

After naming maghapunan diretso agad ako sa kwarto ko at di na ako lumabas. Basta yun na yun nag mukmok lang ako sa room ko.

Well now nakahiga ako sa kama  yakap yakap ko yung favorite pillow ko. Hindi ko talaga maintindihan yung feeling ko this time. Halo halo yung emosyon may galit, inis, at ewan. Basta all I know is that it’s because of that stupid gangster named Jonas. Ang malas ko talaga at nakilala ko siya.

Kinuha ko yung phone ko sa side table ng biglang may tumawag at unknown number. Sasagutin ko nasana yung call kaso ng maalala ko si Jonas e kinancel ko na. Malamang siya to nagpapanggap lang, alam kasi niyang di'ko sasagutin pag siya.

 

Nakaka five missed calls na yung caller at hindi ko parin siya sinasagot. Hinayaan ko lang na magring hanggang sa mapagod siya. After another 3 missed calls nag text naman yung unknown number na yun kaya napa-upo ako at binasa.

'Ate si France to. Pls punta ka dito sa bhay kay kuya may nangyari'

Kuya daw! For sure binibiro lang ako nitong Jonas nato! At ginamit pa yung kapatid niya ah! Ang lakas talaga ng loob.

Hindi ko pinansin yung text at bumalik lang ako sa paghiga kaso nag vibrate na naman yung phone ko.

'Te pls punta ka na dito'

Kulit naman talaga!

Hindi ko ulit pinansin at in-off ko yung phone ko para walang sturbo.

Nag stretch ako ng katawan at akmang hihiga na sana ako para matulog ng may biglang kumatok.

Eto pag di importante masasakal ko talaga to!

“Sino yan?”

"Gel! Gel!" yung katulong namin

“Oh bakit po?”

"Si Jonas daw!"

Ah akala ko kung ano at kung maka ‘Jonas’ naman tong si manang parang close sila.

“Manang matutulog na’ko”

“Lumabas ka muna diyan”

Tumayo ako binuksan yung pinto.

"Ha? Bakit?" wala sa mundo kong sabi

"Kasi yung kapatid ni Jonas tumawag  hindi mo raw kasi sinasagot yung phone mo”

IN LOVE SI GANGSTER KAY SUPLADA ✓Where stories live. Discover now