Chapter 37

105K 951 130
                                    

To all currently reading the story, IN LOVE SI GANGSTER SA SUPLADA will be removed here in wattpad due its PUBLISHED status.

You can read the story only until this Sunday, July 13, 2014.

 

PUBLISHED COPY @129.00 php

Available in PHR STORES, NATIONAL BS and PANDAYAN BOOKSHOPS. 

CHAPTER 37:

ANGELIE's POV 

It’s been two days pero eto at namamaga pa rin ang mata ko. Everytime na maalala ko si Jonas at yung mga sinasabi niya naiiyak pa rin ako.

Topak bakit kasi kita natutunang mahalin?

Gumulong ako sa kama to the right to the left pero nahilo lang ako kaya itigil na.

Lumundag lundag ako pero parang any moment masisira yung kama ko kaya nagiha na lang ako.

 

Text ko kaya siya? Paniguradong di yun mag re-reply

Tawagan ko kaya? Malamang hindi rin yun sasagot.

“Jonaaaaass!” sumigaw ako sa sobrang inis at humarap sa salamin.

Ang pangit ko na grabe! Para akong panda sa itim ng mata ko at ang gulo pa ng buhok ko.

Shit. Eto na ba yung sinasabi nilang ‘heartbroken?’

“Puntahan mo kaya sa kanila kakausapin ka kaya niya?” napa-iling ako “Pano kung hindi? Pa'no kung ipagtabuyan ka niya? Pa'no kung—Aaahh bakit ko ba kinakausap ang sarili ko?!” umalis ako sa harap ng salamin at tumumba ulit sa kama.

Pero wala din namang masama kung kakausapin ko siya.

Napabuntong hininga ako.

“It’s final pupunta na'ko bahala na kung ano mangyayari  basta susubukan ko”

Fighting!

Matapos kong maligo at magbihis sumakay ako ng taxi papunta sa kanila.

Pagbaba ko ng sasakyan dali dali akong lumapit sa gate at nag doorbell since walang guard.

"Bakit Miss?" nilapitan ako nung hardener.

"Si Jonas po ?"

"Si sir? Wala e"

IN LOVE SI GANGSTER KAY SUPLADA ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon