Kabanata 1
Move On
Pumipintig sa sakit ang ulo ko pagkagising ko kinabukasan. I don't know if it's because of the champagne o talagang may sakit ako.
Marahan kong kinuha ang kumot na nakapalupot sa akin at dumilat para tingnan iyong mabuti. Kulay dark blue iyon taliwas sa kumot ko sa aking kwarto.
Kahit masakit ang aking ulo ay bumangon agad ako. Nasaan ba ako? Pinasadahan ko ng tingin ang pamilyar na relo at natatanging painting sa harap. Huminga ako ng malalim at pilit na inalala ang nangyari kagabi.
I passed out...
Bumaba ako sa kama at napansin ang malaking v neck t shirt na nakasuot sa akin. Pumikit ako ng mariin at mabilis na nagtungo sa pintuan ng kwarto.
I need to talk to Duke. Dinala niya na naman ako sa kanyang condo unit. Hindi ba sumama pauwi si Karl kahapon?
Hindi alam ni Duke kung saan ang bahay namin. Hindi ko pa siya nadadala doon at wala akong plano kaya tuwing nakakatulog ako ay dito niya ako dinadala sa kanyang condo.
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto niya. He didn't even try to put me in one of his guest rooms at doon pa talaga sa kwarto niya.
Pagkalabas ko pa lang ay narinig ko na ang ingay ng mga naroon. He's not alone. Naririnig ko ang boses ni Karl at Ava sa kusina.
Nakapaa lamang ako nang dumiretso ako doon. Ni hindi ko alam kung ano ang itsura ko. Sabay na napatingin si Ava at Karl sa akin nang lumitaw ako sa kitchen. Sinapo ko ang noo ko para ibsan ang sakit na nararamdaman galing doon.
"Good morning, Rosie!" bati ni Karl.
"Hindi ka pala sumama kagabi? Sana hinatid ninyo ako sa bahay. Baka nag-alala na si Maggie..." nagpapanic kong sinabi.
"Tinext ko si Maggie kagabi 'tsaka hindi naman kasi pwedeng iwan ko sina Callix at Josh doon nang walang sinasabi. They would be shocked na ang rason kung bakit tayo nandoon ay wala na. Without explanation!" ani Karl.
Nagkatinginan kami ni Duke. Nagluluto siya ng isang nakakatakam na breakfast. Kumalam ang sikmura ko dahil sa bango nito. I appreciate everything but I don't need it.
"I need to go home," iyon lamang ang nasabi ko.
"Kaya kami nandito ni Karl, Rosie, ay para sunduin ka at makauwi na tayo," ani Ava.
Pagod akong umupo sa high chair. Sumulyap muli si Duke sa akin. Parang tinitimbang niya ang pang umagang mood ko.
Isang linggo na mula nang makabalik kami dito galing Dubai. Wala parin ako sa katinuan hanggang ngayon. Noong nasa Dubai ako, gustong gusto ko nang umuwi pero ngayong nasa Pinas na ay gusto kong umalis.
"I'm done cooking. Let's all go to my dining room..." baritono ang boses ni Duke nang sabihin niya iyon.
Tumango si Karl at tumayo. Nanatili akong tulala at sumuko din nang tumayo na si Ava. Sumunod ako sa kanila patungo sa engrande niyang dining room.
"Where's my phone?" tanong ko kay Duke nang naalala.
"Nasa kwarto, nagchacharge. You were dead bat last night..." aniya.
Tumango ako at nilagpasan siya para sa cellphone ko. Tahimik sila nang umalis ako. Kinuha ko ang phone sa loob ng kwarto niya. Naroon nga ito sa tabi ng phone niyang naka charge din. Tinanggal ko iyon sa charger at agad kong tinipa ang pangalan ni Maggie.
"Rosie..." napapaos niyang salubong.
Tiningala ko ang orasan at nakita kong alas otso pasado pa lang.
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)
General FictionAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...