Kabanata 24

988K 27.5K 19.4K
                                    


Kabanata 24

Bouquet

Hatinggabi ako inuwi ni Duke. I'm just tipsy, not drunk. Dumiretso na ako sa kwarto dahil tulog na rin naman yata si Maggie. Mabilis din akong nakatulog pagkatapos.

Hindi ko maintindihan kung mabilis ba o mabagal ang mga araw. Madalas, nagugulat na lang ako at aalis na pala ako sa trabaho. Minsan naman natutulala ako ng ilang minuto at napapansin ko na sobrang bagal ng panahon.

Nang nag Biyernes, second interview na iyon ng mga aplikante. Minu minuto nag pi-play sa aking utak ang scene na dadating si Felicity kasama si Jacob. Maaaring sinamahan na siya ni Jacob, this time dahil crucial na ang interview na ito. Tapos magkakasalubong kami ni Jacob sa lobby. Halos ikamatay ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Hello? What?" ani Karl nang tinawagan ko siya.

Gusto ko sanang magkape pero ayaw kong lumabas sa opisina ko. 'Tsaka na siguro ako lalabas mamayang alas kuatro ng hapon. Umaga pa lang ngayon at simula noong nanligaw si Duke ay nagpapadala siya ng lunch sa akin kaya ayos lang kung magmukmok ako.

"Mamayang gabi, ha?" sabi ko.

Mag di-dinner out kami mamayang gabi kasama sina Callix, Belle, Ava, at Edward. Alam naman ni Karl pero sinabi niyang nagdadalawang isip siya dahil may gagawin kaya sinigurado ko na.

"Oo na! By the way, wala palang number si Leo sa'yo? O kahit si Teddy? Nagpunta sila dito kanina sa gym. Sabi punta ka daw sa birthday ni Leo..."

"Ha? Saan ganap?" tanong ko.

"Sa isangt maliit na bar lang."

"Bar as in club?" tanong ko kahit na hindi importante. Kailangan ko lang humaba ang pag uusap para hindi ma tempt na lumabas ng opisina.

"Hindi ata club. Pagkain lang daw, booze, and music. They asked me to invite you."

"Pag iisipan ko..."

Most likely, Felicity and Jacob will be there. I don't want another encounter. I don't want to see them holding hands, whispering to each others ears. Tama na... Ayaw ko na muna.

"Pag iisipan? Ito naman! Birthday lang naman. Makikikain lang tayo."

"O basta basta!" I don't want to elaborate this part. "Anyway, mamaya sa dinner ha?"

"Okay. Tuloy ba bukas?"

"Oo..." sabi ko.

"O sige na, sige na. Magtatrabaho pa ako..." ani Karl.

Umirap pa ako. Mabuti nga siya at pagala gala lang siya sa buong building para icheck ang mga business niya.

Binaba ko ang tawag at nagpatuloy na sa pagtatrabaho. May naghatid na ng pagkain kaya hindi ko na kailangang lumabas.

Sa huli, nakaya ko namang manatili sa loob ng aking opisina. Pero nang nag alas dos ay hindi ko na kinaya. I needed to pee so I went out of my office. Nag iingat akong di ako lumingon sa lobby. May tatlong applicants doon at wala namang lumapit sa akin. Dumiretso ako sa CR. Nang natapos ay dumaan ulit ako sa lobby. This time, pinasadahan ko na ng tingin at nakahinga nang maluwang nang nakitang wala doon si Felicity. Baka umaga ang schedule niya kaya nakaalis na.

Nagpatuloy ako sa pag aayos ng paper works. Alas kuatro nang may kumatok sa aking pintuan.

"Pasok!" sigaw ko kaya agad naman itong bumukas.

Ang unang nakita ko ay mga pulang bulaklak. Tumawa na ako doon pa lang. Araw-araw akong nakakatanggap ng bulaklak galing kay Duke.

"Surprise!" ani Duke sabay pasok.

Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now