Kabanata 3

1M 28.4K 11.5K
                                    

Kabanata 3

Takot

Mabuti na lang at nagpasya sina Ava at Karl na manatili muna sa bahay. Pakiramdam ko kapag kami lang ni Auntie dito wala akong gagawin kundi ang umiyak.

"Malay mo, makakahanap ka ng iba, 'di ba? 'Tsaka ano ba naman 'yan, masyadong late reaction..." ani Ava sabay ngisi.

Alam kong pinapagaan lang nila ang aking pakiramdam. Ngumiti rin ako pabalik.

Tiningnan ko si Auntie Precy habang nagliligpit ng mga pinggang tapos na naming hugasan kanina. Nasa sala na kami nina Karl at Ava at nanonood ng TV. Hindi naman mapirmi ang mga mata ni Karl doon dahil sa mga photo album na kinuha niya galing sa aming cabinet.

"Hindi ko lang talaga nabigyan ang sarili ko ng pagkakataong tanggapin ang lahat. Kailangan ko ng sampal," sabi ko sabay yakap sa throw pillow.

Napatingin ako kay Ava na nakatingin rin kay Auntie Precy.

"Ilang taon na ang Auntie mo? Hindi na ba talaga siya mag-aasawa? I mean, sayang at ang ganda niya..."

Bumaling ulit ako kay Auntie. Lahi nina papa ay may mapuputi at makikinis na balat. Ang mga labi ni Auntie ay pulang pula kahit na walang lipstick, tama ang hubog ng kanyang kilay, ang tangos ng ilong ay kasing hugis sa akin, at hindi man lang tumaba o ano.

"Hindi ko alam."

Umiling ako.

"Magkamukha talaga kayo ni Auntie Precy, 'no, Rosie? 'Yong kaibahan ninyo lang ay 'yong buhok. Kulot ang dulo ng sa'yo samantalang straight naman hanggang dulo ang kanya," singit ni Karl habang tinitingnan ang mga larawan sa isang photo album na hindi ko pa nakikita.

Kumunot ang noo ko. Marami kaming photo album dito at sa Alegria pero ang hawak hawak ni Karl ay ngayon ko pa lang nakita. Kulay puti at medyo inaalikabok ito. It's like a wedding photo album.

"Patingin?" sabi ko sabay abot nito.

"Saglit lang. Kakasimula ko pa lang..." sabi niya.

Nagsiksikan kami sa aming sofa. Nakita ko ang mga lumang picture. May ilan sa kanilang black and white pa.

"Saan mo 'to nakuha?" tanong ko.

"Diyan sa kabinet ninyo. Bakit?" ani Karl.

"I've never seen this before..."

"Si Don Juan Antonio ba ito?" sabay turo ni Karl sa lalaking katabi ni Auntie Precy.

Nanlaki ang mga mata ko. I've seen Don Juan Antonio's pics noong kabataan niya pero hindi ganito ka bata sa picture na ito. They're like 15 or 16 years old.

"Oo!"

"Kamukhang kamukha niya si Jacob!"

Tumindig ang balahibo ko. They were so alike. Ang hugis ng mukha, ilong, labi, tikas, lahat ay parehong pareho.

Nilingon ko si Auntie. Hindi pwedeng si Maggie ang kumuha nito sa Alegria.

"Auntie, ikaw ba ang nagdala nitong photo album?" tanong ko.

Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang makita ko iyon. Lumapit siya sa amin. Akala ko ay magagalit siya pero pumungay ang kanyang mga mata.

"Kamukhang kamukha ninyo po pala talaga si Rosie..." ani Ava kay Auntie.

"Uh-huh. Mas maputi nga lang yata siya ng kaonti sa akin."

Ngumuso ako at bumaling ulit sa mga pictures. Sa sunod na mga pahina ay nakita ko na ang mga pictures ni Auntie noong nag aral siya sa Maynila.

Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now