Ang Paglalakbay...

341 37 45
                                    

Humayo nga si Panda at nangalap ng impormasyon tungkol sa tsokolateng tinatawag na bengbeng.

Nagtanong sya sa kung sino sinong tao sa wattpad community, nagpunta sya sa kung saan saang threads hanggang sa makilala niya si Strawberry Jams.

Si Strawberry Jams ay isang babeng nagpapanggap na lalaki dahil sya ay may penis envy. Inasar asar sya ni Panda sa thread hanggang sa naging magkaibagan sila sa loob lamang ng dalawang oras. Napagusapan ng dalawa ang tungkol sa problema ni Panda sa bengbeng sa chat at nagprisinta si Strawberry Jams na bigyan na lang ng bengbeng si Panda.

SJ: Sige Panda, dahil cute ka naman ako na lang ang magbibigay ng bengbeng sayo.

Panda: Talagaaaaaaa~?

SJ: Hindi joke lang.

At doon natapos ang pagkakaibigan nila ni Strawberry Jams.

Naghanap ng bagong pagtatanungan si Panda kung saan makakabili ng bengbeng.

Mabuti na lamang at online pala ang kaibigan niyang pusa na si Nashy.

Panda: Nashy! Meow Moew Moewrrr.

Nashy: Meow Moew Nyaaaaw?

Panda: Ay, oonga sorry na off ko pala yung subtitle.

Nashy: Adik ka talaga. Anyways oo meron dito sa malapit sa amin, kila aling Daisy.

Panda: Talaga? Magkano?

Nashy: Ang huling pagkakaalam ko eh 4.50 ang isa.

At walang anu-ano’y nagpalit ng status si Panda mula sa pagiging available ay nagpalit ito sa away.

Panda: Narrator, kailangan kong magmadali dali baka magsara na ang tindahan na nagtitinda ng bengbeng!

At yun nga ang dahilan ng pagpapalit ni Panda ng status, dahil kailangan na niyang magmadali. Dali dali siyang bumaba sa puno ng bamboo at nagtatakbo papunta sa tindahan nila aling Daisy at dahil sa kaniyang pagmamadali ay nakalimutan niya ang isang bagay...

Panda: Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Isa nga pala akong panda! Wala akong peraaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! *Face Palm

Nagpatuloy sa pagiyak ang kawawang panda hanggang sa may makarinig sa kaniyang isang magandang binibini na itatago natin sa pangalang JMonster.

JMonster: Hey! What’s wrong? Why are you crying?

Si JMonster ay isang cool kid  kaya naman English ang salita nito. Isa rin itong maangas na monster na naninira ng mga pangarap ng mga bata o panda in this case.

Note: Hindi lahat ng nageenglish ay cool. May binabagayan lamang po ito. At hindi porket nageenglish ay cool na. Ang coolness ay nasa aura bow.

Panda: Eh? Isa ka bang fairy god mother?

Hopiang tanong ni panda na nahinto sa pagiyak dahil sa pagdating ni JMonster.

JMonster: What? No! What are you? A freaking 5 year old? Fairy god mothers don’t exist!

Panda: *Mangiyak ngiyak. Totoo?

JMonster: Ugh. They don’t f*cking exist man! Those things are for nerds! They use it to escape reality! Ako ang reality monster!

Panda: Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!! Pano na yan? Kundi ka fairy god mother anong silbi mo sa istoryang 'to?!

JMonster: I really don’t know man. I was burning some stuff when I heard your annoying cry.

Panda: What stuff?

JMonster: Ah useless stuff, just a couple of five hundred peso bills.

Panda: Huwhaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaat?

Panda: Ang Paglalakbay.Where stories live. Discover now