And now the end is near... I did it my waaaay! *Gunshot

84 6 12
                                    

Hindi alam ni Pandalita kung ano ang kaniyang dapat gawin. Matagal namahinga ang writer kaya naman hindi nito alam kung saan pupulutin ang kaniyang istorya. Madami ang nangyari habang wala siyang update at di niya ito isishare sa inyo dahil di niya ito diary. Naguguluhan ang writer, nasira ang kaniyang personal computer na naglalaman ng kaniyang soft copy para sa dapat update ng istoryang ito, nasa pagawaan naman ang laptop niya at ang natira lamang na sandata niya sa pagsusulat ay ang kaniyang imahinasyon at konting kapilyuhan (echos). Di nga seryoso, badtrip, wala siyang backup copy ng nasabing dapat update ng istoryang ito, medyo tanga dahil nabura niya nga pala ito noong mga panahong desperado siyang punuin ng ghibli movies ang kaniyang flash drive. Hindi niya ito diary pero umabot na sa higit isang daang salita ang natype niya para lang mag rant. Madaling araw kaya naman wala siyang pakialam sa sasabihin niyo dahil iba ang ugali niya pag ganitong mga oras.

~

Jen: Panda, mag-usap tayo...

Panda/Pandalita: Jen, ano man ang narinig mo eh wag mo sana itong makapekto sa relasyon nating dalawa.

Jen: Imposible ang sinasabi mo. Hindi ko kayang makipagrelasyon sa kapwa kong babae!

Pandalita: Weh? Di nga? Pero sa lalaking panda okay lang? Samantalang tao ka?

Jen: Atleast lalaking cute na panda! Wag mo na kong echosin, wala ka ng magagawa. I’m breaking up with you.

Pandalita: Jen, please pag-usapan natin ‘to! Ganun na lang ba? Itatapon mo na lang lahat ng pinagsamahan natin? Yung landian natin sa bus? Yung mga mumunting sandaling pinagsamahan natin sa mga nakaraang chapters? Ganun na lang?

Jen: It’s not you, it’s me.

Pandalita: Hindi mo ba pwedeng baliwalain na lang ang kasarian ko? Di ba mahal mo naman ako?

Jen: But... what I feel for you is not enough. Hindi sapat yung pagmamahal ko para baliwalain na lang ang katotohanang pareho tayong babae.

Pandalita: Pero sapat ang pagmamahal ko sa iyo para sa ating dalawa, sobra sobra pa nga eh, kung gusto mo isama pa natin yung iba eh kasya pa lima, ganun kalaki yung pagmamahal ko sayo Jen.

Jen: Sorry. I just can’t.

Pandalita: Jen...

Jen: Makakahanap ka din ng magmamahal sayo, hindi ako karapat dapat sa pagmamahal mong parang jeep na kahit sikip na eh kasya pa rin ang lima.

Pandalita: Pero ikaw lang ang gusto ko.

Jen: Pero hindi tama... Hindi ako ang para sayo.

Pandalita: Pano mo nalamang hindi ika-

Jen: Tama na Pandalita! Wala ka ng magagawa para mabago ang desisyon ko. Paalam Pandalita.

Pandalita: Pper-

Jen: *Walk out.

Sa pag-ibig eh hindi lang puro ligaya at saya. Sabi nga nila, hindi mo mararansan ang tunay na kasiyahan kung hindi ka nakaranas ng lungkot at paghihirap papunta sa minimithi mo. Ang drama. Sabi din ng mga tsismosa sa kanto nila aling Daisy na sa pag alis ng isa ay tiyak na may bagong darating sa iyong buhay, at hindi porke na bigo ka sa unang subok eh matatakot ka na sa pag-ibig. Isipin mo na lang eh every heartbreak will lead you to the one that will truly love you, inside and out. Babae, Lalaki, Bakla,Tomboy, Panda, Tsokolate at kung ano ka pa ay may magmamahal sayo, hintay hintay din pag may time.

At doon na nga natapos ang ilang chapters na pagmamahalan nina Pandalita at Jen. Ilang chapters na kahit sandal lamang ay puno naman ng pickup lines at mga korning banat na nagpakilig sa mga mambabasa.

THE END.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Panda: Ang Paglalakbay.Where stories live. Discover now