Egg Pie o Pandesal?

208 31 49
                                    

A/N: Ayaw ko talaga sa author's note XD Anyways, this is also dedicated to @himeyumi :)) my catfish friend LOL :D

~

Panda: *Mangiyak-ngiyak. Sa-salamat po! Matagal ko na po talagang gustong magkaroon ng ganito!

Mickey: Buti naman at nagustuhan mo! Mainam yan sa iyong paglalakbay. O suotin mo na!

At tuwang-tuwa ngang  isinuot ni Panda ang regalong salwal ni Aling Mickey sa kanya. Sa wakas! Rated G na ang istoryang ito dahil may salwal na ang ating bida!

Panda: Naku, maraming maraming salamat po talaga! Aalis na po ako!

At nagpatuloy na ang ating bidang lalaki pala sa kaniyang paglalakbay. Wala akong maisip na magandang punchline dahil kauuwi ko lang at alas dos na, sabaw na utak ko dahil sa paggagala kanina.

Panda: Malayo pa pala lalakbayin ko amp.

Kausap ni Panda sa kaniyang sarili habang naglalakad patungo sa paradahan ng mga bus. Ala sais na ng gabi kaya naman rush hour na at marami ang pasaherong naghihintay. Nakasakay na si Panda sa bus ngunit nakatayo lamang siya dahil nga rush hour (paulit-ulit) na, ngunit hindi siya nahihiya dahil may salwal na siya.

Panda: Hehe, pwede ko ng pormahan yung kras ko sa wattpad! Sasagutin na siguro niya ako dahil sa bago kong salwal

Stranger: Tsk, sasagutin ka niya dahil lang sa may salwal ka na?

Panda: O sino ka naman? Tsaka normal bang sumabat ka sa pakikipagusap ko sa sarili ko?

Supladong tanong ni Panda sa ballerinang kumausap sa kanya.  Nakatayo lamang din ito sa bus ngunit naka pose na tila nagbaballet, nakatiptoe ang isang paa at ang isa nama’y nakataas habang ang mga kamay ay iwinawagayway na parang nananampalataya sa el shaddai.

Stranger: Hindi ko mapigilan eh, masyado ka kasing cute kaya kailangan kitang makausap.

Panda: O? Eh anong issue mo sa buhay?

Patuloy ni Panda sa pagsusuplado dahil ayon sa survey na ginawa niya ay bet ng mga girls ang suplado.

Stranger: Eh tama ba kasing sasagutin ka lang ng isang tao dahil sa panlabas mong anyo? Para sakin kasi di importante ang panglabas na anyo, basta mabuti ang kalooban eh solb na solb na ko!

Panda: Bakit? Kinakain mo ba ang kalooban nila?

Pagjojoke ni Panda na ikinangiti naman ni Stranger na patuloy pa rin sa pagwagayway ng kamay. Ang pagjojoke ay isa sa mga paraan ni Panda para dumamubs sa mga tayp niyang girls.

Note: Boys! Laging tatandaan na isa ang humor sa hinahanap ng mga babae sa lalaki, sunod sa mga kumikinang na vampires, magagandang lalaking Koreans, bishounen na anime characters at bad boys. (LMAO)

Stranger: Hindi naman!

Sabay palo ng pakeme ni Stranger kay Panda, yung tipong naglalandian lang. (Enebe eng kerne me nemen telege pere kelengen keng temewe pere de ke mepeheye) Ganun!

Stranger: Ang ibig kong sabihin, mas dapat tignan ang ugali keysa sa muka. Sabi nga nila kahit gaano ka kagwapo o kaganda kung panget naman ugali mo eh magsuicide ka na lang!

Panda: Huh? May ganung kasabihan?

Stranger: Hindi, wala imbento ko lang. Ang sakin lang eh dabest pa rin yung simple lang, di nakakaumay. Sabi nga dun sa bakery nila Aling Cloud eh, “Mahumaling ka man sa egg pie, paniguradong babalik at babalik ka rin sa simpleng pandesal.”

Panda: Wow, ang gandang metaphor naman nun.

Stranger: Onga eh, ako nga pala si Jen.

Pagpapakilala ni Jen sa kaniyang sarili, itinigil na nito ang pagbaballet at naupo sa bakanteng upuan sa bus.

Panda: Ang Paglalakbay.Where stories live. Discover now