Advice

6.6K 182 56
                                    

Advice para dun sa mga sasali...

(Konting advice lang to mula sakin. Hindi po ako nagmmarunong.)

1. Follow the rules

            Basahin niyong mabuti yung previous post and FOLLOW it. Ayaw niyo naman sigurong madisqualify, right??

2. Be serious

            Kung gusto niyong sumali, seryosohin niyo ang paggawa ng oneshot for this contest. Huwag yung subok-subok lang. Hindi tayo naglalaro, this is a CONTEST. Beside, walang improvement na mangyayari kung hanggang subok lang tayo.

3. Think

            This doesn’t mean you have to really think outside of the box when making your oneshot. Iba’t iba ang mga coaches, kaya iba’t iba din yung taste nila sa pagpili. Write where you’re comfortable with. It doesn’t have to be unconventional or unique kung hindi naman mapapanagutan. There are still good things in clichés. Although, before sending your oneshots, pagisipan niyo ng maraming beses kung yan na ba talaga. Matagal pa ang deadline, marami pa kayong oras, huwag madaliin ang paggawa. Remember, isang entry lang per person ang allowed, you only have a chance na mapasali.

4. Delivery

            Huwag kayong maging conscious sa Grammar. Ako nga, nagkakamali din diyan eh (ng maraming beses) at kahit yung mga famous writers problema din yan. Pwede pa naman yang ma-tolerate. Ang kailangan niyo lang talagang iwasan ay ang pagdeliver ng words. Don’t make it look like a Grade 2 student made it and accidentally send it to my account. Naku! *head slamming on the table* To be honest, nakakainis ang ganyan. Yung tipong:

Krriiinggg... krrriiiiingggg!!!!!!!!!!!!!!!!!!! 

Hoy Totoy! Bumangon ka na!!! May pasok ka pa! Kanina pa tumutunog ang alarm clock mo!!! – nanay

Nay, naman, sandali lang. Ang ganda ganda ng panaginip ko eh!!- ako. Tsk eto talaga si nanay, ang epal. T.T

Bumangon ka na kasi – nanay.

*Boogsh!!*

Aray!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!- sigaw ko. sabay haplos sa puwet. Eto kasi si nanay, tinulak ako palayo sa kama.

Bilsan mo diyan! Baka malate ka pa. Umalis na si nanay sa kwarto ko kaya tumayo na ako at nagpunta sa banyo. Kainis, ang sakit sakit talaga ng puwet ko – isip ko.

Para akong zombie na naglakad papuntang banyo at nagsimula ng maligo.

*wisik wisik ng tubig diyan* *wisik wisik din dito* *wisik wisik din sa ibaba*

*sabon* * sabon* *shampoo* * bula* *bula* laro laro ng konti sa buhok ko at nagfoform ng mga shapes. Kinuha ko ang isang balde ng tubig at ibinuhos ang buong laman sa hot and sexy and muscular and lean and wrinkle-free and baby smooth and fair complexion and six-pack abs and 6-footer na katawan ko. Hinablot ko yung towel na nakasabit sa likod ng pinto pagkatapos kong maligo at nagpatyo na ng katawan. *Pahid* *Pahid* *Pahid*

Bumalik ulit ako sa kwarto at nagbihis. Pagkatapos kong ihanda yung mga gamit na dadalhin, bumaba na ako sa hagdanan at naglakad papunta Glorietta upang mabreakfast. De Joke lang XD Syempre, dun lang sa kusina. Hindi ako rich. Ewan ko ba kung bakit ang ganda at gwapo ko eh. XDD Tanungin niyo na lang si author.HAHAHAHAHAHAHAH!!!!!!!!!!!!!!!!!

Umupo na ako dun sa mesa at sabay na kaming kumain ni nanay. *Nguya* *Nguya* *Lunok* *Nguya* *Nguya*

Pagkatapos naming kumain, niligpit na ni nana yang hapag-kainan habang pumunta ulit ako sa banyo para magtoothbrush.

*Brush up* *Brush down* *Brush circular* *Brush* *Brush* *Brush* Kumuha ako ng tubig pagkatapos at naggurgle for fresher, better, white teeth.

Nang bumaliks na ako sa sala, nakatayo na si nanay sa doon at dinala na yung bag ko.

Oh heto, bilisan mo na at baka mahuli ka pa.–iritadong sabi sakin ni nanay at itinulak sa matigas kung dibdib yung bag.

Opo, bibilisan ko na po. Hindi po ako malelate. pahingi nga ng isang goodbye kiss diyan.- sabi ko.

Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot kasi hinalikan ko na siya agad sa labi. Mabilis, mariin pero hindi mapusok ang halik ko sa kanya at tumugon naman siya. Gusto ko sanang ituloy pa ito hanggang kwarto kaso baka pagalitan lang niya ako kasi malelate ako.

Oh siya, tama na. Umalis ka na. Male-late ka na nito panigurado- sabi ni nanay ng magkahiwalay ang labi namin upang humingi.

Ngumiti ako.

Opo, nay, aalis nako. –ako

Magingat ka sa trabaho mo tay ha!- sigaw niya nang papalabas na ako ng bahay.

            Nagulat kayo dun sa ending? O.O HAHA.. Huwag yung storyline ang pagtuunan niyo ng pansin kundi yung pagdeliver ng words. YES, medyo nakakatuwa siyang basahin pero hindi naman siguro katulad niyan ang ipapasa niyo sa homework ng English/Filipino subject ninyo diba? Naku, I wonder kung anong grade ang makukuha niyo dito.

            Wala naman akong against sa informal writing BUT don’t make it very informal. At yung pagdescribe ng tao, lugar, o gamit huwag din masyadong OA. Sometimes, less is enough. Choose the right word kapag magdedescribe kayo pero hindi ibig sabihin nun dapat niyo nang basahin from cover to cover yung dictionary. Isipin niyo na lang... Paano kayo magsalita o magisip? May emoticons bang lumalabas? Kargado ba sa punctuation marks? At kapag gumagawa kayo ng activity, every moves dapat sabihin? Yung tipong *hagod* *hagod*.*kamot* *kamot*?

            May natutunan naman siguro tayo sa English at Filipino subjects diba? Mula preschool, parati na natin yang kasama at kahit sa pangaraw-araw nating gawain. Huwag niyo sana yang kalamutan. And another thing...

            Huwag kayong masyadong gumamit ng heavy/nasty words kasi baka ma-restricted ni Watty yung oneshot niyo. Ang hirap pa naman hanapin nung restricted posts.

5. POV

            Naku, napaka-importante nito. Dapat talaga pagisipan niyo kung anong klaseng POV ang gagamitin niyo kasi yan ang maglalarawan ng kaganapan sa story niyo. Isipin niyo na lang yung example story ko kanina, kung ginawa ko yun in Third POV, pwedeng ma spoiled yung ending diba? Wala naman nakasaad sa patakaran ng contest kung anong klaseng POV ang gagamitin kaya nasa sa inyo na yan.

6. Polishing

            Kung tapos niyo nang gawin yung oneshot niyo, basahin niyo ulit yun ng basahin hanggang sa makuntento kayo at masabing “Hmmm.. okay na ito. Pwede na. Confident na ako dito.” And also, try to minimize the typo errors. Make your story is clean as you can para mainintindihan ng mga mambabasa ang nais mong iparating sa oneshots niyo. At HUWAG niyong kalimutan na hanggang 4000 words lang dapat. Yung mga spaces, enter, punctation marks and any special charcters ay huwag niyo nang isali sa pagbibilang dun sa 4000 na yun.  

Hmmm... Hanggang dyan lang siguro ang ma-aadvice ko. Wala na akong maisip. Kayo, baka may mai-contribute pa kayo?

PS. Advice lang ito, huwag kayong magpaapekto dito. Kasi in the end, yung mga coaches lang ang pipili.

The VoiceWhere stories live. Discover now