Coach 3

4.3K 109 31
                                    

Itong third Coach, alam ko maraming nakakalilala sa kanya and I'm sure marami dito ang nakabasa na ng mga gawa niya. Kaya hindi na ako magbibigay ng introduction at kahit anong churvaness kasi….

It's pilosopotasya, beybeh!! XD

Bow.

Again, may baon akong isang maikling interview from her. Hope you like it (nakaka-entertain ang nga sagot niya). C:

*****

Tell me something about you as a writer and your writing style.

~ Hindi ako seryosong tao. . . Makikita naman 'yun sa way ko ng pagrereply, sa mga posts ko at sa mga stories ko pero I take writing seriously kahit pa sabihin kong "trip trip ko lang to." Ako 'yung writer na kapag tinama mo ako, ayos lang sa akin, mas matutuwa pa ako--maappreciate din ako lalo na sa mga taong nagbibigay ng feedbacks, sobrang bilis ko matouch, seryoso.

Ako din ang tipo ng writer na nagbabasa muna bago nagsusulat. Madalang man ako magbasa at hindi man ako isang bookworm, nagbabasa pa rin ako--lalo na ng mga hinaing ng mga tao. Paano ko ba sasabihin 'to? Parang. . . tinetake ko in consideration ang opinyon ng iba pero kung ano ang desisyon ko, 'yun pa rin ang desisyon ko. Open minded- - - kunwari! hahahaha.

About sa writing style, actually, naghahanap pa rin ako. Ang dami ko kasing gusto! Yung sinasabi nilang "Jack of all trades, master of none", palagay ko kasi, ako 'yun. Sa sobrang gusto ko matutunan lahat, wala na akong namaster.

Kumbaga, sa pagsusulat, nagawa ko na ang 1st, 2nd at sinusubukan ko ang 3rd point of view way of writing. Nakagawa na ako ng pov ng babae at ng lalaki. nakapagsulat na ako mula Romance, drama to humor tapos horror, at nagtatry ng mystery, action, spiritual at fantasy.

Pero sabi nga ng prof ko, "Mas tatanggapin pa ng industry ang artist na hindi man SOBRA sa galing at least masipag, willing matuto at maraming kayang gawin."

I might look like I don't get serious pero paminsan minsan, seryoso naman ako! Ayoko lang na maintimidate ang mga tao sa akin kaya ganito ang way ko ng pagsusulat/pagsasalita/pagtatype. Effective ba?

What do you expect para sa mga sasali sa Blind Audition?

~ Lahat ineexpect ko. . . from mature stories to immature. Ineexpect ko rin na magagaling ang lahat ng sasali at may sense 'yung one shots nila, sana meron nga. (MAPRESSURE KAYO!!!! HAHAHAHA joke lang)

Do you have a concept or a strategy in building your team?

~ Depende kasi to sa mga team na makukuha ko. . . Siguro magkakaroon ng strategy kapag nandyan na pero sa ngayon na wala pa namang nangyayari at wala pang challenges, sa tingin ko ang pwedeng maging strategy namin ay "don't be pressured, just keep on writing and have fun."

Ay wait, baka makita ng ibang coach baka gayahin!! hahahahaha chorva.

How will you act as a coach?

~ I will be a perfect reader for the team. Magbabasa at magkocomment ako bilang kaibigan, classmate at teacher.

Meaning? Bilang kaibigan, I'll pin point all the flaws, tatawa ako nang tatawa (joke) at basta, I'll make them comfortable, kakausapin ko sila dahil magiging magkakaibigan kami. As a classmate, I'll pinpoint what I want from the stories dahil mahiyain kuno ako, sobrang pupurihin ko ang story para maboost ang confidence nila dahil nga 'classmates' lang kami at hindi kami ganun kaclose at bilang teacher, I'll help my team to not be the best but to be better and to have fun while learning, the professional way. (naks!)

Anything you want to say to the other Coaches?

Erm, hi? (Awkward wave)

HAHAHAHAHAHAHAHA :)))))

*****

I’ll save the last Coach for tomorrow. Chao!

T.Vo

The VoiceWhere stories live. Discover now