TULA 14: Move on-move on, Holding-holding on

45 8 3
                                    

Dapat siguro

maniwala na ako

sa sinasabi nila

Na walang forever

Na walang happy ever after


Move on na, Raffy,

sabi ko sa aking sarili.


Hindi ko na maibabalik

ang dati

Ang dating siya

Ang dating ako

Ang dating siya at ako

Ang dating kami


Hindi ko na siya maipaglalaban

Hindi na niya mabibitawan

ang aking kamay

Sapagkat

ibang kamay na

ang hawak ng kamay niya

At ibang kamay na

ang humahawak sa kamay niya


Wala nang siya

Wala nang ako

Wala nang siya at ako

Wala nang kami


Wala na


Ngunit

bakit

ganoon?

I am still

holding on


Ano pa ba

ang dapat kong kapitan?

Hindi ba

wala na naman?

Wala na kami

Hindi na kami

Pero bakit

hindi ko siya kayang iwaglit

sa aking puso at isip?


Siguro nga'y

mayroon pang kinakapitan

ang puso kong ito

Batid ko

na iyon ay mga alaala

Mga alaala ko

at alaala niya

Mga alaala

naming dalawa


Mga alaala na lang

ang tanging kinakapitan

Mga alala na lang

ang tanging mananatili

kailanpaman


Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]Where stories live. Discover now