TULA 19: Humiling-hiling, Umasa-asa

44 6 8
                                    

Tama bang

humiling akong

kami'y magkakabalikan?

Sayang naman

ang mga panahong

aming pinagsamahan

Sana

maulit pa

Sana

minsan pa


Tama bang

umasa akong

kami'y magkakatuluyan?

Sayang naman

ang mga pangako

Sana

mabunot pa

Sana

mabalikan pa


Katulad

nina Popoy at Basha

May one more chance

May a second chance


Pero

ako si Raffy

Siya nama'y si Rose Marie

Paano

kami magkakaroon

ng isa pang pagkakataon

ng pangalawang pagkakataon

kung ang puso niya'y

sa iba naroroon?




Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]Where stories live. Discover now