TULA 30: Nawasak-wasak, Nakumple-kumpleto

48 7 18
                                    

Ang buhay

ay tulad ng gulong

Paikot-ikot

Puwedeng

bumalik sa dati

ang lahat

Tulad ng mga bituin

Patingin-tingin

Puwedeng dumilim

o lumiwanag

mula sa langit

na papalit-palit

ng kulay


Kapag bumalik

at lumiwanag

ang nakaraan

ay kalimutan na lamang

at tulad ng bagong taon

simulan

ang bagong pagkakataon


Masaya ako

nang bumalik siya

sa akin

Maligaya ako

nang tinanggap

ko siya


Pinapasaya niya ako

sa pamamagitan

ng pagtitig lang

sa kanya

Kapag siya ay nariyan

pakiramdam ko

ako'y ligtas

ako'y matibay


Salamat

dahil muli

ay ginawa niya

akong kanya

Siya rin

muli ay akin

sa araw-araw

ng aking buhay


Kami man ay

nagkahiwalay

at nawasak

ang puso ko

at namatay

nanatili

pa rin

na ang isa't isa

ang nilalaman

ng kanya-kanyang

puso at isipan


Mahal ko siya

tulad ng pagmamahal niya

sa akin

Mahal ko siya

dahil kumpleto ako

kapag kasama ko siya


Alam ko

marami pang problema

ang darating

Ngunit

kaya naming labanan

ang mga iyon

Basta't kasama ko siya

Basta't kasama niya ako


Batid ko

hindi siya perpekto

Alam kong

ako rin

Pero naiintindihan ko

Sapagkat

siya ang dahilan

kung bakit ako ngayon

ay muling nabuo

at naging kumpleto



oOo


Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon