Chapter 35. [Friends again]

344K 6.3K 785
                                    

35. Daniella

"What? Iiwan mo 'ko?"

"I have a music video shoot in Japan." "E kasi..."

"Dee, nakapagpa-presscon na tayo. Kahit hindi tayo maging visible together for the next two weeks, di na sila maghihinala."

"May magagawa ba ako?"

Tumawa lang siya sa kabilang linya.

"You know, Dee. I'm starting to think na mami-miss mo ako kaya ka nagkakaganyan. Kahit 2 weeks lang yun." Gustong kong sabihing "Two weeks kaya yun, hindi

two weeks lang yun!" pero nahiya ako. "Hoy, hindi, a! Asa!"

Yung totoo, mami-miss ko talaga 'tong si Bryan. Wala akong makakasama parati. Di pa rin naman kami okay ni Andie.

"So pano, ingat ka na lang? Bawal ang girls, ha."

Ugh, I sound like a nosy girlfriend!

Well, pino-protektahan ko lang yung "relasyon" namin.

"Dee, magta-trabaho ako sa Japan, nothing more, nothing less. Wag kang mag-alala, sa'yo nga lang ako for the next three months."

"Tse! Feeling mo nagseselos ako? Ayoko lang na magkagulo, no!"

"Wala naman akong sinabing nagseselos ka, ha." "Sige na, ingat ka na lang. Balitaan mo na lang ako." "I will. Sorry pala, di na kita maihahatid sa school." "Okay lang."

"Sige, I have to pack my things pa. See you in two weeks, wifey. Take care of yourself for me, will you?"

"I will. Ikaw rin. Bye, Bryan." "Bye, Dee."

So there, kelangan kong masanay na pumasok uli nang mag-isa. Paglabas ko ng gate, nagulat ako sa nakita ko. Si Andie, naghihintay sa akin?

"Andie, anong ginagawa mo rito?"

Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap.

"Bes, sorry. Sorry kung di kita pinakinggan noon. Alam ko naman na wala kang kasalanan. Let me make it up to you. I'm really sorry."

"Ano ka ba, okay lang yun. Pinaiyak mo naman ako." Di pa rin kami bumibitaw sa isa't isa. Na-miss ko si

Andie nang sobra.

Bumitaw ako sa kanya. "Ang drama natin, tama na nga 'to!"

She smiled. "Na-miss kita. Na-miss ko ang bestfriend ko." "Ang drama mo talaga. Na-miss din kita siyempre.

Luka-luka ka kasi, e."

"Sorry, nadala lang ng emosyon."

"Kalimutan mo na yun. Basta okay na uli tayo. Tara, pasok na tayo."

Sabay kaming naglakad papunta sa school. Kuwentuhan siyempre, catching up.

"Ba't di mo kasama si Bryan?"

"Paalis siya papuntang Japan para mag-shoot ng music video. Two weeks siya dun."

"Ah. Uhm, bes..." "O?"

"Wag mong sasaktan si Bryan, ha?"

Bigla naman akong natigilan nun. Hindi nga pala alam ni Andie na nagpapanggap lang kami.

"Bakit? Anong gagawin mo sa'kin kapag nasaktan ko siya?"

Tumawa siya. "Eto naman. Siyempre napalapit na rin sa'kin yun. Basta, wag mo siyang sasaktan. At sana hindi ka rin niya saktan."

"Ang seryoso mo, bes, a."

"Nag-usap kasi kami kahapon. Sinabi ko sa kanya yung nararamdaman ko for him. At ayun, tinapat niya ako na kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin. Pero sana raw maging magkakaibigan uli tayong tatlo."

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Where stories live. Discover now