Chapter 37. [Set-up]

322K 5.9K 418
                                    

37. Daniella

Buti naman tapos na yung Physics class. Nagso-short circuit na yung utak ko. Nag-ayos lang ako ng gamit tapos sumabay na kina Andie palabas. Okay na sila ni Allison pero di pa rin kami magkakasamang tatlo. Ayaw pa ni Allison. Di ko rin alam kung bakit.

"Guys, wait!" si Kevin.

"Sasabay ka na naman?" iritang sabi ni Andie. 

"Bawal ba?"

"E kasi naman—"

"Tama na nga yan, lovebirds!" 

"Hindi kami lovebirds!"

Sabay pa silang nagsalita! Lagi na naming nakakasama si Kevin lately. Mabait naman. Lagi ko silang tinutukso ni Andie. Umamin sa akin si Kevin na may gusto siya kay Andie. Obviously, hindi yun napapansin ni Andie. May pagka-manhid din 'tong bestfriend ko. Torpe din kasi si Kevin. Pero magtatapat naman daw siya sa tamang panahon.

"Two weeks na ang nakakalipas, a. Di ba dapat

nandito na si Bryan? Ba't di pa siya pumapasok?"

Naturingan akong girlfriend ni hindi man lang ako i-update. Teka, ba't parang ang demanding ko na? Totohanan na?

"Ewan ko dun."

Nag-iba na ng topic yung dalawa, puro dance steps. Nakahalata yatang wala ako sa mood kaya hindi na ako isinama sa usapan. Pagdating sa bahay, naka-receive ako ng message from Bryan.

Fr: Hubby

Wifey, kita tayo sa park ng subdivision around 6 pm. Don't be late.

Napangiti naman ako sa text niya. Nakalimutan ko agad yung inis ko. Nakaka-miss din 'tong lokong 'to. Slight lang. Okay, sige, na-miss ko talaga siya.

Dumiretso na ako agad sa park. Excited lang sa pasalubong! At sige na nga, na makita uli si Bryan.

Kaso, hindi si Bryan ang nadatnan kong naghihintay dun.

"Erick? Anong ginagawa mo dito?"

Napatayo siya bigla sa swing at nagtatakang humarap sa akin.

"Dani? Ba't ka nandito?" "Pinapunta ka rin ba ni Bryan dito?"

"Ha? Hindi. Si Allison nagpapunta sa'kin dito. . . Wait."

"Sinet-up nila tayo." 

"Bakit naman?"

"Ewan. Gusto nila tayong mag-usap? Magkaroon ng closure? Nabalitaan ko, Erick, di mo na kelangang itago." Biglang may kung anong kumurot sa puso ko nung

tiningnan ko siya sa mata. "Siguro nga. Upo tayo dun." "Sige."

"Uhm..." "Da—"

Sabay kaming nagsalita, sabay ring natawa pagkatapos. Doon ko na-realize na parte pa rin si Erick ng buhay ko, iba na nga lang ang part niya. Tinitigan ko siya. Ito yung lalaking minahal ko nang matagal-tagal din. At na-miss nang sobra, I have to admit. Di ko namalayang naluha na pala ako. Naalala ko yung sakit nung naghiwalay kami.

"Erick, anong n-nangyari sa'tin?" Kumuha siya ng panyo at iniabot sa'kin. "Hindi ko rin alam, Dani."

"Sana sinabi mo na lang yung totoo. Maiintindihan ko naman, e. Kahit mahirap pipilitin ko. Pipilitin kong tanggapin na hindi tayo puwede."

Napabuntonghininga siya at kinuha niya yung kamay ko.

"Hindi ko alam kung paanong ipapaliwanag sa'yo, Dani, e. Wala akong lakas ng loob. Mahal kita pero wala

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Where stories live. Discover now