Chapter 42 [What ifs]

318K 6.3K 996
                                    

42. Daniella

"Daniella, si Bryan?" 

"Ewan ko."

"Ay, ayun, parating pa lang."

Napatingin ako sa tinuro ni Erick. Kasama ni Bryan si Nikki, nagtatawanan sila habang naglalakad.

"Close sila?" tanong ni Allison na nakataas ang kilay. "Siguro."

Kelangan kong magkunwari na wala lang sa akin na magkasama sila.

Nakita kong nagpaalam si Bryan kay Nikki at naglakad papunta sa amin. Umupo siya sa tabi ko. Lumipat ako ng ibang puwesto pero sumunod uli siya sa akin. Tumayo ako at nagdahilan na may kukunin lang sa room. Bumuntot na naman si Bryan sa akin.

"Dee, pansinin mo naman ako."

Tiningnan ko siya nang seryoso pa rin ang mukha. "Alam mo nang nainis ako kanina, di ba? Tapos inulit mo pa rin. Akala ko ba dapat tayo lang magkasama?

Bakit dikit ka pa rin nang dikit kay—"

Di ko na tinuloy yung gusto kong sabihin.

194 195

I sound like a nagger and I hate it. "Kay Nikki?"

Hindi ako sumagot. Natawa si Bryan nang mahina. "Wait, are you jealous of Nikki?"

"No. I'm just protecting our agreement. May contract, remember?"

"You're jealous, Dee. Nagba-blush ka sa galit." Kinurot niya yung pisngi ko, iniwas ko naman yung

mukha ko.

"Hindi nga sabi!"

"Di ako makapaniwala. Nagseselos ka dahil may iba akong kausap na—"

"As if naman di ka rin nagselos kanina nung nakita mo kami ni Kevin."

"Does that mean inaamin mo na nagselos ka talaga kay Nikki?"

"No. All I'm saying is—"

"I-deny mo pa ulit hahalikan na kita."

Tinalikuran ko siya para lumakad pabalik kina Allison pero bigla niyang hinila yung kamay ko.

"Ano ba—"

He stopped me at mid-sentence with a kiss. Na-surprise ako at first but eventually, I found

myself kissing him back. I wrapped my arms around his neck while he circled his arms around my waist.

And then, para siyang natauhan, kumalas siya bigla sa akin.

"Sorry. We shouldn't have done that."

Yung alin? Yung kiss?

Nasaktan ako sa sinabi ni Bryan. Ang una kong naisip ay tumakbo palayo.

We shouldn't have done that? He's the one who inititiated the kiss tapos sasabihin niya sa'kin "We shouldn't have done that?"

Napunta ako sa isang part ng venue na medyo magubat. Creepy pero okay na rin basta malayo sa kanila. Naupo ako sa isang tabi. Tears started streaming down my face.

Bakit niya ako hinalikan tapos magso-sorry lang afterwards?

Hindi ko na alam kung gaano ako katagal nakaupo dun. Umiyak lang ako nang umiyak. Wala namang makakaalam, wala namang makakarinig. Nagulat ako nung biglang may nagsalita sa gilid ko.

"Tapos ka nang umiyak?"

Si Bryan. Nakaupo sa malapit sa akin.

Sinundan niya ako? Kanina pa siya rito?

Nagpunas muna ako ng luha ko bago ako tumingin kay Bryan.

"Ba't mo ba ako sinusundan?"

"Bakit ka ba kasi tumakbo bigla? Tapos ngayon umiiyak ka."

"Nabigla lang ako."

196 197

"Enough to make you cry? Para namang first time nating mag-kiss."

It isn't the first time, yes. But it was the first time I responded and got rejected, gusto kong sabihin sa kanya.

"Bry, can you please leave me alone? Gusto ko lang mag-isip."

"Okay. I just want to apologize for what happened. Di na mauulit."

"Talagang di na mauulit!" sabay tayo at punas ulit ng luha.

Tumayo rin siya at hinawakan ang kamay ko bago pa ako makaalis.

"Why did you kiss me back, Dee?" Why is he asking me that question? "Why did you kiss me?"

"Don't answer me with a question, Dee. Ako ang unang nagtanong. Why did you kiss me back? And why did you cry after ko mag-sorry?"

I felt a lump in my throat. Hindi ko masagot si Bryan so I decided to escape. Pero hinigpitan niya lalo ang hawak sa kamay ko.

"Let me go please."

"Answer me first. Why the hell did you kiss me back?"

"Kailangan ba lahat may reason?" "Yes."

"Because I'm in love with you, jerk!"

Nagulat siya. Nagulat rin ako. Napaamin na niya ako. Bigla siyang bumitaw sa wrist ko at hinawakan yung dalawa kong shoulder.

Inhale, exhale. Umamin ka na, e. Face it.

"A-anong sabi mo? You love me?"

"Oo, Bryan, mahal na kita! Ano masaya ka na? Sorry kung na-inlove ako sa'yo, ha? Alam ko naman na lahat ng ito dahil lang sa contract kaya wala akong karapatan na mahalin ka. Pero sorry, tao lang."

"Masaya? Tinatanong mo ako kung masaya ako sa nalaman ko? Of course! Because I feel the same way, Dee."

Did I get that right? Mahal din ako ni Bryan?

Hinawakan uli niya yung dalawa kong kamay at saka ako tinitigan. He leaned closer to me and kissed me once again. Napayakap ako sa kanya. He kissed me with so much passion, with so much love. He wanted to go deeper. He licked my bottom lip and sought entrance to my mouth. I gladly let him in and we kissed until we were both out of breath.

Niyakap niya ako pagkatapos. I felt so secure in his arms. After a while, kumalas siya sa akin and stared at me.

"I love you, Dee. Kahit moody ka, minsan maarte at irrational, matampuhin, saka madalas mo akong sungitan. I've learned to adore and love every inch of you."

Is this really happening? Si Bryan Lim na kinaiinisan ko

198 199

dati? Yung puro contract lang ang nasa isip? Ngayon umaamin na mahal niya rin ako? Am I dreaming?

Natawa ako sa naisip ko. This can't be happening.

Magising ka na, Daniella. This is just a dream.

"Umamin na sa'yo yung isa sa pinakasikat na artista sa buong mundo tapos tatawanan mo lang? Ang sakit naman nun!"

"Sorry, hindi lang ako makapaniwala. This is too good to be true."

"Maniwala ka na. Dreams do come true."

Dreams talaga? Oh well, pangarap lang naman talaga siya dati, ngayon reality na. So, sige na nga.

"I do. Overwhelmed lang." "Dee..." Nagkamot siya ng ulo. "Will you l-let me c-court you?"

Ang cute niya, nagba-buckle pa!

"Huy, wag kang ngumiti lang dyan! Sagutin mo naman yung tanong ko."

I answered him with a kiss.

"Andami mong sinasabi. Oo na nga, e. Oo na." Niyakap niya ako sa tuwa at nag-promise that he

would do everything to prove that he's worthy of me.


I'm officially dating the superstar. Wow. This feels surreal.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon