Words of Wisdom (Random Thoughts of a Teenager)

173 5 2
                                    

EXPERIENCE.

Simple word yet a tough one.

TRIALS.

May be hard at times but later on, you'll see the meaningful outcome.

LESSONS.

One word. Great meaning.

------

EXPERIENCE + TRIALS + LESSONS  = LIFE.

Ito ay iilan sa mga salitang maiuugnay natin sa salitang BUHAY.

Ano nga ba ang buhay?

Ito ay isang makabuluhang biyaya sa atin ng Poong Maykapal. Isang biyaya na nagbigay ng pagkakataon sa atin na makita ang magandang mundong handog Niya sa atin.

At isang pagkakataon para matuklasan natin ang tunay na halaga at kahulugan nito sa atin, hindi lamang sa salita ngunit pati na rin sa gawa.

May mga pagkakataon man na tayo ay nakararanas ng kahirapan sa buhay o hindi kagandahang pangyayari, lagi nating tatandaan na lagi Siyang nandiyan para gabayan tayo.

Hindi ito nangyayari sa atin dahil sa kagustuhan lamang Niya ngunit para sa atin upang matuklasan at malaman na ang buhay ay hindi madali. Maaaring sa isang maling desisyon mo lang ay may mawala sayo o dahil sa nangyari kaya hindi nagkaganoon.

Gusto Niya tayo matuto kung paano dumiskarte nang TAMA sa buhay. At kung paano natin mapapaunlad ang biyaya na bigay Niya sa atin.

Hindi man tayo perpekto, alam naman natin na perpekto naman tayo sa pagmamahal NIYA.

Sa simpleng biyaya Niya sa atin sa araw-araw, mararamdaman na natin kung gaano Niya ibinibigay ang kanyang TUNAY NA PAGMAMAHAL sa atin.

DASAL. Isang mabisang stratehiyang pangkomunikasyon sa KANYA. Hindi mo na kailangang  magpaload sa suking tindahang malapit sa inyo o mag register sa kahit anong promo ng iba't ibang networks. Hindi mo na rin kailangan ng signal dahil

Kahit kailan, kahit anong oras, kahit saang lugar o kahit anong pangyayari, kapag tinawag mo Siya, agad niyang pakikinggan ang tawag mo. Dahil mahal ka NIYA.

----

FAITH. FEASTDAY.

-RainbowSky

130716

Words of Wisdom (Random Thoughts of a Teenager)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon