Insecurities.

180 3 2
                                    

Naranasan mo na ba yung nagiging insecure ka sa iba?

Yung minsan maiisip mo na lang na, "Bakit siya, ang ganda ganda niya? Tapos ako mukhang basahan."

Nakakainis na ewan, di ba?

Nakakainis kasi hindi mo alam kung bakit nagkakaganun ka. Parang may maling ewan eh.

Tapos kapag naglalakad ka sa corridor ng school mo, maiisip mo na, "Okay ba itsura ko?" Tapos ilang beses kang titingin sa salamin para lang tignan kung nag-upgrade na ba yung mukha mo o lalo lang pumanget.

Insecurities.

Bakit nga kaya nagiging insecure ang isang tao?

Dahil ba, naiinggit siya sa iba? o dahil sa mga naiisip niyang negatibo sa sarili niya? Yung tipo na ang basehan niya ay yung tingin ng taong nasa paligid niya.

Kapag ikaw ay nabibilang sa not-so-popular students sa school niyo, applicable sa inyo 'to no?

Yung parang kung ano sabihin ng iba sa inyo, yun agad yung paniniwalaan niyo? Tapos ganun na magiging tingin niyo sa sarili niyo?

Yung iba lang naman.

Kung hindi ka ganoon, congratulations! Ang brave mo. Idol na kita. :)

Kung nabibilang ka naman sa yeah-im-popular students, Wow! Galing ah! Nice nice.

Anyway, insecure. Insecure. Insecure. Why?

Di ko rin alam. Lahat naman tayo naiinsecure di ba? Ako kasi, oo.

Naiinsecure ako sa iba. Bakit kasi ang ganda ganda nila? Nakakainis. LOL HAHAHAHA.

Kidding aside. Naiinsecure ako kasi feeling ko hindi ako umabot sa standards ng iba.

Parang sa crush, hindi ako umabot sa katiting ng standards ng mga taong magugustuhan niya. Bwiset. XD

Yung mapapaisip ka na lang, "Ano bang meron siya na wala ako?"

Tapos mapapapalo ka sa noo mo at sasabihing, "Ay oo nga, ang ganda kasi niya. Tapos matalino. Mabait pa, close pa sila. Tapos matulungin... (insert-many-BEST-characteristics-ng-crush-ng-hayop-kong-crush-here) (Author-is-not-bitter)"

Sinabi kong ganyan kasi alam kong madaming cheche yung crush ko diyan. -.- (cheche-keme)

Noong una, masasabi mo pa sa sarili mo na hihintayin mo siya. Siya lang crush mo. Cheche ever.

Yung dumedaydream ka pa na kayo tapos magkaholding hands, nagpPDA sa classroom (para maranasan ding chumeche), hug.. (insert-your-imaginations-here)

Pero mula sa word na DAYDREAM. ISANG araw lang at PANAGINIP LANG YON. PANAGINIP. BWISET.

Kaso ganon talaga, dyan tayo sumasaya eh. Sa simpleng pagdedaydream. Sa simpleng pag-asang magugustuhan ka rin niya.

Kaso... alam naman natin na ang panaginip ay malayong malayo sa katotohanan.

Kung ganon talaga eh, edi ganon. Accept na lang. Ganyan talaga eh.

Basta ang isipin na lang natin, na kapag dumating ang panahon na ganito sa atin, baka hindi sila talaga ang para sa atin. May mas maganda/ gwapo tayong makikilala in the near future. Ganyan talaga ang buhay. Trial and error. Hindi natin maiiwasan yan kasi puso ang nagsasabi. Always look on the bright side. Atleast, alam mo na marunong kang magmahal ng tunay di ba? Tsaka kawalan na nila yon! HAHAHAHHA. Basta... let's remain as their friends na lang, right? Atleast may relationship pa din kayo. Di ba? May pag-asa pang mag-upgrade yon! Time lang. at, HAVE FAITH! :)

"Bakit naghahanap ka pa ng iba eh nandito naman ako? Eto na oh. Nasa harapan mo na. Ilang centimeters na lang ang layo para hindi ka na mahirapang maglakad. Ilang hakbang na lang! Ano ba! Dalawang hakbang na lang for pete's sake! Ayaw na nga kitang mahirapan eh! Eto na oh! Gusto mo ako pa lumapit sa yo eh! Sabihin mo lang! Sure na sure! Kahit anong oras, kahit nasan ka, lalapit ako agad. Maging nasa Mindanao ka man, magpapabook na ako ng flight para masundo ka lang! Bakit lumayo ka pa? Bakit tumalikod ka pa sa akin? Bakit, huh? Ako na nga 'tong nasa tabi mo palagi tapos.. siya pa ang hinarap mo? Bakit ganon? Ang unfair naman ata. Ano ako, display lang para sa yo? Kung kailan mo lang gustong tignan at kausapin, tsaka ka lang lalapit sa akin? Ganon? Ngayong nakahanap ka na ng iba... doon ka na pupunta? Ganun na lang ba yun? Hindi mo man lang ba papansinin... yung pagtingin ko sayo? Sige na o. Kahit saglit lang... sana... magawa mo din akong... tignan, crush.."

-ang bitter na lines ng taong bitter.

At syempre, dahil may magaling na konsensya ang taong bitter, eto ang sumagi sa isip niya..

Maaaring ako ang palaging nandyan para sa kanya, pero alam ko namang wala sa akin ang atensyon niya kaya balewala rin ang effort. Kahit ilang centimeters man ang layo ko sa kanya, alam kong may pipiliin niyang tawirin ang dagat mapuntahan lang niya ang babaeng mahal niya. Mahal ko lang naman siya eh. Ako lang naman ang nagmamahal. So why bother di ba? Why bother to look behind di ba? Yan ka eh. Ganyan ka. Nagmamahal ka lang rin, sa iba nga lang.. Kung ako din naman ang nasa kalagayan mo, ganyan din ang gagawin ko... para sayo. Kaya... sige. Iintindihin na lang kita. At mananatili akong kaibigan mo.

-----

-RainbowSky

130716

Words of Wisdom (Random Thoughts of a Teenager)Where stories live. Discover now