Kung ako ba siya, mapapansin mo?

112 2 1
                                    

Nung minsang nagkagusto ako, hindi ko akalaing sa isang tulad pa niya. Talagang unexpected. Hindi ko alam, unti unti na pala ako nagkakagusto sa kanya.

Akala ko, kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya... pero umabot sa puntong... sobra pa pala doon.

Matagal ko nang itinatago

Mga ngiti sa munti kong puso

Batid kong alam mo nang umiibig sa ‘yo.

Bakit hindi mo pansin itong aking pagtingin

Ba’t di mo ramdam ang tibok nitong dibdib

Kaibigan lang pala ang tingin mo sa akin.

Noong alam ko na, na iba na pala ang tingin ko sa kanya, pinilit kong itago ang nararamdaman ko. Pero sadyang makatotohanan ang kasabihang, "Walang sikreto ang hindi nabubunyag." dahil kusang lumabas sa aking labi ang mga salitang, "Crush ko na siya."

Masaya ako kada oras na nagkakausap at nagkakasama kami. Parang langit ang pakiramdam. Kakaiba. Tuwang tuwa siguro ang puso ko noong mga oras na yon.

Malaunan, nagkaroon ako ng lakas ng loob na ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko. At nangyari naman.

Pero...

Wala eh. Ganoon pa rin.

Kaibigan lang kasi ang tingin niya sa akin.

Kung ako ba siya, mapapansin mo?

Kung ako ba siya, mamahalin mo?

Ano bang mayro’n siya na wala ako?

Kung ako ba siya, iibigin mo?

Hmmmm….

Alam ko naman noong una pa lang na may gusto siyang iba, yung bestfriend niya. Dominoes kami ano? Kasi yung bestfriend niya, may gusto namang iba. At yung iba na yun, may gusto rin sa kanya. Edi happy ever after sila? Tapos kami ni SIYA, forever dominoes na lang?

Habang nakatingin siya sa kanya, ay siya namang tingin ko sa kanya. Hay. Kailan mo kaya ako magawang tignan din tulad ng pagtingin mo sa kanya?

Kung ako ba siya, magawa mo din kaya akong pansinin?

Kung ako ba siya, mamahalin mo din kaya ako? Kahit konti lang? Kahit katiting lang...

Masakit ko mang isipin

Mahirap mang tanggapin sa damdamin

Pag-ibig mo pala’y hindi sa akin.

Ngunit anong gagawin ng puso

Sa ‘yo lang ibinigay ang pangako

Patuloy nga namang aasa sa ‘yo, sinta..

Sino ba naman ang hindi masasaktan kung hindi siya mahal ng taong mahal niya di ba? 

Masakit tanggapin, mahirap. Pero may mgagawa ba ako? Kung siya talaga yung gusto eh. Kahit masakit, pipiliting maging masaya sa desisyon niya. Kung doon siya magiging masaya eh.

Pero kahit ganoon, kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko, wala eh. Sa'yo pa rin kasi tumitibok 'tong martyr kong puso. Patuloy pa rin sa pag-asang magugustuhan mo rin ako.

Kung ako ba siya, mapapansin mo?

Kung ako ba siya, mamahalin mo?

Ano bang mayro’n siya na wala ako?

Kung ako ba siya, iibigin mo?

Kung may pagkakataong bang... mas nauna mo akong nakilala... may pag-asa kayang... ako ang nagustuhan mo?

Kung hindi kaya ako nahuli sa pagpasok sa buhay mo... ako kaya yung dapat na minamahal mo ngayon?

Ikaw lamang ang inibig nang ganito

Sabihin mo kung paano lalayo sa ‘yo.

Ikaw lang kasi ang inibig nang ganito. (naks) (joke yun) Iba kasi yung paghanga ko na yun sayo. Wait... paghanga pa rin nga ba? Baka... pagmamahal na? Hindi ba? 

Minsan nakakapagod din ang parating ikaw ang naghahabol.. minsan nakakahingal sa pagtakbo.. Dahil kahit anong bilis mo man tumakbo, kahit ikaw na mismo ang number 1 sa karerahan, kung makakagawa at makakagawa siya ng ibang paraan, hindi mo pa rin siya maabot. Dahil siya mismo, mahirap abutin.

Paano nga ba ako makalalayo sa iyo kung kabigan kita? Paano.. kung layuan kita? Pwede kaya yon? Pwede kayang mawala na lang nang bigla bigla ang nrararamdaman ko sayo nun kapag lumayo at dumistansya ako sayo? Pwede kaya?

Hahahaha! Syempre, sino ba naman ang niloko ko, hindi ba? Hindi naman basta basta ganoon lang paglimot. Mahaba-habang proseso din yun. Oras at panahon lang ang kailangan, makakamove on din ako sayo.

Move on? Move on na nga ba talaga?

Ito na ba ang pagsuko ko sa nararamdaman ko sayo?

Wala pa ako sa finish line, hihinto na ako?

Hindi na rin siguro kinaya ng puso ko ang layo ng hinahabol niya. Dahil kahit anong lapit niya rito, ay siya namang layo niya.

Dapat ko na ba itong itigil? At maghanap na lang ng bagong finish line na tatakbuhin ko muli?

Hindi muna siguro. Ipapahinga ko na lang 'to. Kulang lang 'to sa pahinga. Sisigla din muli ang puso kong pagod nang humabol ... sa'yo.

Kung ako ba siya, ooohhh

Kung ako ba siya, mamahalin mo?

Ano bang mayro’n siya na wala ako?

Kung ako ba siya, kung ako ba siya…

oohhhhh ooooohhhh

iibigin mo….

Nagsimula kami bilang kaibigan... at sa tingin ko ay.. magtatapos rin bilang magkaibigan.

Words of Wisdom (Random Thoughts of a Teenager)Where stories live. Discover now