Special Chapter

69.7K 1.2K 229
                                    

 A/N: So guys, no book two. Ito na po ang first and last special chapter ng CLS. Sorry po kung lame. Minadali ko na po kasi. Gusto ko po sanang magpasalamat sa mga taong nagbabasa nito. Kundi dahil sa inyo hindi po ito aabot ng One Million Reads! Maraming salamat! <3

 CRAZY LOVE STORY (KATHNIEL)

SPECIAL CHAPTER by InnocentPen

**

“Teebeh naman eh!”

Hmp. Kath, wag kang lilingon. Kundi sasampalin kita.

“Kathyyy.”

Tumakbo ako papasok sa kwarto naming ni Daniel. Pagkatapos ay mabilis kong ni-lock ang door.

Pero ilang seconds lang narinig ko na naman ang mga katok niya.

“Sexybebs.”

“Kathbebs.”

“Kathmylabs.”

“KathyBaby…buksan mo naman ang pinto.” Rinig kong sabi ni DJ mula sa labas.

“EH! KAHIT ANO PANG ITAWAG MO SA AKIN HINDI KO BUBUKSAN YAN!” Sigaw ko sakanya.

“Sige na ohh.”

“AYAW KO! MAGSAMA KAYO NG BABAENG YON!”

Kathmylabs, please?”

“AYAW KO! BAKIT HINDI NA LANG IKAW ANG MAGBUKAS!!!”

“Tinago mo yung susi.”

Ay, oo nga pala. Kawawa naman.

“SA MAY BANYO, YUNG SA BABA NG LALAGYANAN NG SABON! DUN KO ITINAGO YUNG SUSI!”

“Sige, salamat.”

Narinig ko yung mga footsteps niya papalayo. Akala niya siguro makakapasok siya dito, ah! Nandito kaya sa loob ng kwarto ang banyong sinasabi ko.

Kinuha ko na muna yung phone ko at nag-selfie, pagkatapos ay pinost ko sa Instagram. With caption, “Akala mo maiisahan mo ako ah! Neknek mo!”

“Bebs, wala naman ah. Pinuntahan ko na yung banyo sa itaas pati yung sa kusina pero wala naman dun yung susi.” Si DJ-BABAERO yan.

“DITO SA LOOB YUNG SINASABI KONG BANYO!”

“Teebeh naman eh. Wala naman talaga yung nakita mo kanina, nagtanong lang yung babae---“

“HMP! SANA HINDI MO NA LANG SINAGOT! ALAM MO NAMANG MAY ASAWA KA!!!”

“Kath naman, hindi ka ba naman maaawa sa tao. Naliligaw yun—“

“BAKIT DATI HINDI KA RIN NAMAN NAMAMANSIN KAHIT NA MAY NAGHIHINGI NG TULONG SAYO!!!”

“Pero Kathmylabs, alam naman natin yung dahilan kung bakit ako naging ganon dati—“

“BASTA! BAHALA KA SA BUHAY MO!”

  Humiga ako sa kama at hinayaang magsabi-sabi sa labas si DJ.

Kanina kasing nasa supermarket kami. Inutusan ko siyang bumili ng kamatis, ewan ko ba, parang gusto ko kasing kumain ng kamatis tapos lalagyan ko ng ketchup. Yummy!

Tapos akala ko kukuha na siya ng kamatis pero hindi. Nakita ko siyang may kausap na babae. Kaya sobrang nagtampo ako. Inuna pa niyang sagutin yung babae kaysa kuhanin yung pinapakuha ko sakanya.

“Bahala ka sa buhay mo.”

Ipipikit ko na sana yung mata ko para makatulog na pero biglang may kalokohang sumagi sa utak ko. Hahaha! Akala mo ah, humanda ka sa akin ngayon, Daniel ka!

CRAZY LOVE STORY (KathNiel) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon