Update 51//

57.9K 740 63
                                    

Update 51// [Meeting DJ’s Brother, TJ] <private>

 

 

 [IMPORTANT NOTE]: Nagkamali po ako dun sa isang Author’s Note ko before na nagsasabing 19 yrs old pa lang si DJ at 18 naman si Kath kahit Freshmen college pa lang sila. 21 YEARS OLD na pala silang dalawa, kasi nga po nung nagkakilala sila FRESHMEN college sila non tapos nag-anniversary sila kaya Sophomore na sila ngayon. Ngayon ko lang po na-realized, pasensiya na po. Inuulit ko po: napatupad na ang K-12 Education sa mga panahong ito kaya wag kayong magtaka kung bakit 21 yrs old na sila pero sophomore college pa rin sila, hanggang Grade 12 nga po kasi diba? At saka nag-stop po sila ng isang year..malalaman niyo na po kung bakit, baka sa next chapter. Kung hindi niyo pa rin po gets you can PM me anytime to ask questions regarding their age, regardless the plot.

 

DJ’s POV

 

Hinatid ko muna si Kath tapos dumaretso na sa bahay. Gusto pa nga ni Kath na ngayon na daw siya ipakilala kaso ang sabi ko bukas na lang tutal sa bahay namin siya magno-Noche Buena.

Pumayag naman siya inasar pa nga niya ako na baka mas gwapo daw si TJ sa akin. Imposible yun, mas gwapo ako dun.

--

 

“Bro! Wazzup man?” Nakipag-apiran ako kay TJ. Kahit paano eh namiss ko toh.

“Buti naisipan mong umuwi.” Sabi ko at saka umupo sa may sofa.

“Na-miss lang kita, bunso!” Asar, ayaw na ayaw ko talaga kapag yun ang tinatawag niya sa akin.

“Babae ‘yan noh?” Hindi niya ako sinagot basta nagkibit balikat na lang.

“DJ, TJ, kain na daw tayo.” May narinig akong tumawag sa amin. Si Baby Moosh!

Nilapitan ko siya at saka niyakap, “Namiss kita, pinsan!”

“Hahaha, oo na. Nagugutom na ako, kain na muna.” Nilingon niya si TJ at saka ibinato yung isang pillow, “Oy Seniorito! Kakain na daw!”

Na-miss ko toh.

Expected ko na mapapahaba ang kainan namin, matagal tagal na kasing hindi kami magkakasama. Pagkatapos ng pagkain namin pina-akyat na kami sa taas para magpahinga na daw pero nagpa-iwan muna ako. Ire-remind ko lang sila about sa pagpunta ni Kathbebs bukas ng gabi sa amin. Pagkatapos kong sabihin yung mga favorite foods ni Kath umakyat na rin ako sa room ko.

Makikitulog muna daw siya sa room ko, okay lang naman saken kasi mula bata lagi naman kaming magkatabi kung matulog. Nagbihis muna ako bago magtanong-tanong.

“Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko, bro. Bakit bumalik ka?” Hindi ko talaga titigilan toh hangga’t hindi niya ako sinasagot. Nahawa na ako sa kakulitan ni Kath.

CRAZY LOVE STORY (KathNiel) [EDITING]Where stories live. Discover now