Chapter 3

140K 1.7K 226
                                    


Dedicated kay Mooosh!

 

*** 

Chapter 3 [Enrique, what?]

KATHRYN'S POV

“Uy! Penge naman ako niyan?” Kasalukuyang humihingi ako ng Mogu-Mogu sa classmate ko. Ayokong bumili, trip ko lang. Sabi kasi, mas masarap 'pag libre.

“Ayoko, ang yaman mo. Ba’t di ka bumili?” Sabi nito. Wow ah! Ang damot!

“Sige na oh…”

“Ayaw.”

“Uy, si DJ oh!” Sabi ko para madistract ito.

“Nasan?! Ituro muna..Biliiiss!” Bigla itong nag-hysterical na parang nag-eend of the world na. Kung maka-react, wagas.

“Penge muna…” Hahaha. Uso na ang Black Mailing ngayon. Haha!

“Eto, sayo na…” Bigay nito sa Mogu-mogu niya. 

Mabilis kong tinanggap iyon,“Salamat, alis na ako…”

“Eh, si DJ?”

“Umalis na rin eh…hindi mo nakita kanina tinignan ka niya. Kinikilig nga ako e.’’ pang-uuto ko rito.

“Wow! Talagaa!!! Ohmygaad!” We're talking about OA-ness here.

“Tss..Maniwala ka naman. Sige mauna na ako ha? Byee…” Nung sinabi ko iyon bigla akong tumakbo palayo.

“Nakakainis ka talaga Kath! Pasalamat ka at mabait ako!” Naka-pout na sabi nito. Sanay na talaga sila sa akin, ganun talaga…kahit loko ako, mabait naman. Yun ang sabi nila.

 

“Hello…” Sabi nung lalaki sa likuran ko habang pumipila ako, bibili ako ng mogu-mogu. Feel ko kasi, magkukulangan ako dun sa hiningi ko.

“I don’t talk to strangers…sorry.” Sabi ko habang nakatalikod. Iba na talaga kapag sikat, kahit sino kinakausap ka, kahit sino gustong magpapicture, kahit sino---

“Ah, stranger na pala ako ngayon?” Nilingon ko yung lalaki. Ohmygolly. It's DJ!

“Hello, Dhie!!!” Medyo napalakas na sabi ko. Narecharged na ang katawan ko nang siya'y aking masilayan. Loko lang.

“Dhie?” mahinang sabi niya. Maybe he's wondering kung bakit may nickname na ako sakanya. Feeling close ho kasi ako.

CRAZY LOVE STORY (KathNiel) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon