The Painting - Chapter #3

177 3 2
                                    

Chapter #3

Kakatapos lang ng klase ko ngayon. Naglalakad na ko papalabas ng school. Nilagay ko na ang earphones ko sa tenga ko at nakinig sa musika.

“Mr. Dela Peña!”

Huh? May tumatawag ba skin?

Lingon sa kaliwa. Lingon sa Kanan. Wala naman. Lakad ulit.

Lakad. Lakad.

“Mr. Dela Peña!”

Biglang may humawak sa balikat ko.

Paglingon ko si Ms. Ramos pala. Bakit kaya hinihingal siya?

“Ms. Ramos bakit po kayo hingal na hingal?”

Tinignan niya ko ng masama.

Ooppsss. May nasabi ba ko?

“M-Mr. Dela Peña! A-ang bilis mo naman maglakad. Kanina pa kita tinatawag. Halos lahat ng estudyante lumingon na, ikaw na tinatawag ko hindi lumilingon!”

“ay. Ms. Ramos pasencia na po, naka-earphones po kasi ako.” Sabay tanggal ng earphones sa tenga ko.

“Ok-okay. Sandali lang, hahabulin ko lang hininga ko.”

Hinayaan ko lang si Ms. Na habulin daw yung hininga niya. Tumakbo lang? Tss. -____- Mukhang importante ang sasabihin nito at hinabol pa ko.

“Game.”

Maglalaro kami?

“Ms.Ramos anong game? Hindi po ako mahilig mag-game.”

(__ __#!) à Ms. Ramos

“Mga kabataan nga naman ngayon mga pilosopo. Anyway, hinabol kita para sabihin sayo na magkakaroon ang school natin ng exhibit. Paint Exhibit to be exact sa susunod na buwan. Dahil ikaw ang nanalo sa contest last year, tatlong paintings mo ang pwede mong ilagay kasama yung painting mo nung nanalo ka, bali apat na paintings mo ang mai-ddisplay. At gusto ng Dean natin na magkaroon ng another club for painting, marami daw kasing student na interesado mag-paint so ikaw ang sinuggest naming na maging president nito.  Kapag na-aprubahan na yung club na iyon, open na siya week after. Kuha mo? Paghandaan mo na din yung tatlo pang paintings na ilalagay sa exhibit. Sige, aalis na ko. Goodbye Mr. Dela Peña!”

Okay. Ano daw sabi? Paint Exhibit? Tss -_____-

Apat ang ilalagay sa exhibit? President sino? Ako? Ano ba yan. Sakit na naman sa ulo. Psh -______-

Di man lang hinintay ang opinion ko, parang wala na kong choice dun uh?

“Pre! Ian!”

Nakita ko si Gerald na tumatakbo papalapit sakin.

“Pre! Wag kang mawawala mamaya ha!”

“H-ha ? Saan?”

“Tss! Ano ka ba? Birthday ko! Naturingan ka pa naman na kaibigan tapos ganyan! Kasama din ang barkada. Magusap na lang kayo kung paano kayo pupunta sa bahay. Papakilala ko na din yung girlfriend ko sa inyo”

“Sige. Una na ko.”

“Sige Pre!”

Oonga pala, may lakad nga pala kami.

Ganyan talaga ako kahit sino ang kausap ko. Matipid sumagot. Kay ate lang naman ako madaldal. Sa kanya lang talaga ako close. Di ko nga alam kung paano ako nagkaroon ng barkada dito sa school sa ganung ugali.”

*Vvvvvvvviiibbbbbbbbrrrrrraaaaaatttttteeeeeee*

Nag-vibrate yung phone ko, pagtingin ko may tumatawag.

The PaintingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon