The Painting - Chapter #12

22 2 0
                                    

CHAPTER 12

IAN’s POV

“KELAN MO BA KASI NAGUSTUHAN SI IAN ROMMEL DELA PEŇA ?!”

Ang tagal bago ma-digest ng utak ko ang mga narinig ko.

Ako yun  ba yun tinutukoy nung babae?

Ako yun di ba?

Pangalan ko ang binaggit nung kasama niya.

“Ano ba Shiela! Bakit ka nakasigaw? Jan ka na nga ang kulit mo! Ako na lang ang o-oder!”

Shiela?

Shiela ang name nung makulit na tanong ng tanong.

Wait …

Shiela?

Shiela na girlfriend ni Gerald?

Edi si …

“Uy! Raine! Kayo pala yung nagsisigawan jan sa likuran ni Ian! Injerness ang lalakas ng boses niyo ha. Rinig na rinig tuloy naming ni Ian ang pinaguusapan niyo.” Iyah

“A-ate Iyah? Nanjan pala k- kayo?” nauutal na sagot ni Raine kay ate.

“Oh! Ate! Nagkita ulit tayo! Pwede bang jan na din kami maki-table ni Raine?” Tanong ni Shiela na ngayon ay nakatayo na sa gilid naming.

“Sure. No problem.” Sagot ni ate habang nakangiti ng abot tenga.

Teka. Hindi ko gusto ang ngiti ni ate.

“Raine. Best! Dito na lang tayo kina ate Iyah. Osige na umorder ka na. Alam mo naman na order ko di ba?” ngiting tanong ni Shiela kay Raine.

“A-ahh. S-sige.” Sagot ni Raine.

Umalis na siya pagkatapos nun at umorder ng kakainin nila ni Shiela.

Hindi nagtagal at nakabalik na din siya.

Dun ko lang napagtanto na yung upuan sa tabi ko na lang ang pwede niyang upuan dahil sa tabi ni Ate Iyah tumabi si Shiela.

Sheezz.

“Oh. Yan na pala si Raine. Oh, Raine, maupo ka na at kumain na kayo ni Shiela.”

Umupo na siya sa tabi ko at nagsimulang kumain. Ang tahimik.

Hindi ko magawang magsimula ng conversation sa kanya dahil sa mga narinig ko.

May gusto siya sakin?

Tama ba? Totoo kaya yun?

May gusto din siya sa akin?

“Huy! Ian?!”

“H-ha?”

“Ang sabi ko, aalis na muna kami nitong si Shiela. Sasamahan daw niya akong bumili ng pangregalo sa Kuya mo. Alam mo naman na malapit na birthday non. Osige, ikaw na ang sumama kay Raine. Ihatid mo na lang siya after.”

“h-ha? A-ate? S-shiela?” natatarantang sagot ni Raine

“O-osige ako na lang ang maghahatid sa kanya.” Sagot ko. Alam kong napatingin sa akin si Raine.

“Good!” masiglang sagot ni Shiela habang nakatingin kay Raine at tumataas baba pa yung kilay niya.

“Osige baby brother! Dapat bago mo siya maihatid ngayon araw may improvements na sa inyong dalawa ha? Bye!”

“I-improvements?” sabay naming tanong ni Raine.

“Oo? Alam niyo kayong dalawa! Denial King and Queen pa kayo! Jan na nga kayo! Bye!” paalam ni ate sa amin.

Tuluyan nang umalis yung dalawa at naiwan na lang kami ni Raine ngayon.

Sht. Ninenerbyos ako. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin.

“Raine/Ian” sabay namin sabi.

“Ah.Sige ikaw muna.” Sabay ulit kami

“Sige. Ako na.” at sabay ulit kami

“HAHAHAHHAH” sabay kaming natawa sa nangyari.

“Ano ba yan. Dapat sabay tayo palagi? Hahaha” natatawa niyang sabi

“Ewan ko ba.”

After a minute. Tumigil na din kami sa pagtawa at natahimik ulit ang buong paligid.

Spell AWKWARD . -______-

“A-ano. Ian. Yung narinig  mo kanina –.”

“Yun ba? Nagulat nga ako sa narinig ko. Kelan nga ba?” tanong ko sa kanya. Hindi ko na napigilan pero gusto ko din malaman kung kelan siya nagkagusto sakin.

“Ah. Simula nung maging close tayo.” Nakayuko niyang sagot sakin

After niyang sumagot nabalot ulit kami ng katahimikan.

Hinintay ko lang siyang matapos kumain at niyaya ko na siya.

“Tara! Tutal iniwan naman na tayo nung dalawa. Gawin na lang natin ang gusto nila.”

“Ha? Anong gusto?”

“Na .. na ano…” hindi ko masabi ang salitang magkaaminan. -____-

Napansin niya atang hindi ako nakasagot kaya nag-ayos na din siya at tumayo.

“Tara! Timezone tayo!” yaya niya sakin.

Nang mapansin niya hindi ako kumibo.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalabas ng KFC.

--

^^,

The PaintingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon