The Painting - Chapter #9

39 2 0
                                    

CHAPTER 9

Shiela’s POV

Nandito na ako ngayon sa elevator at pupuntahan ko na ang tamad kong bestfriend dahil paguusapan na namin ang nalalapit niya debut.

Oo, malapit na siyang mag-debut at bilang naturingan na bestfriend niya ay isa ako sa magiging punong abala sa pagaasikaso nito.

Ayaw kasi niya ang ganitong celebrations pero mapilit kami ni Tita kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumnod. HAHAHAHA

“ting!” tunog ng elevator.

Agad-agad akong lumabas ng elevator pagkabukas nito at tinungo ang pintuan ni Raine at nag doorbell.

“ding-dong” aba ang tagal naman ata magbukas nun?

“ding-dong”

“ding-dong”

“ding-dong”

Pipindutin ko pa sana ulit ng isa pa ng biglang bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang bagong gising na mukha ng butihin kong kaibigan.

“Hapon na pero kagigising mo lang?” tanong ko sa kanya

Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto, para makapasok ako sa loob ng condo niya.

“Obvious ba?” sagot nito pagkasara niya ng pinto.

“Saan ka ba kasi galing? Baka nakakalimutan mo, bestfriend mo ko, mamaya may ginagawa ka ng kakaiba hindi ko pa alam, at sino ang kasama mo kagabi aber? At saan yan?” paglilitanya ko sa harapan niya

Pero tignan mo nga naman, sa haba ng sinabi ko parang ni isa wala siyang narinig  sa mga sinabi ko.

“Ano? Di ka sasagot?” tanong ko pa ulit.

“Sa bar. Sina Ian ang kasama ko.”

“Ano? Si IAN?!” sigaw ko sa kanya

Agad naman siya napamulat sa sigaw ko.

“Ano ba! Wag kang ngang sumigaw! Oo sila ang kasama ko!”

“E di ba bawal kang uminom ng alcohol?”

“Bakit uminom ba ako?”

“Hindi ba?”

“Obvious ba? Edi sana may hang-over na ko ngayon.”

“Oonga no? Onga pala, kaya pala ako nandito ay para asikasuhin na natin ang debut mo.”

“Ikaw na bahala dun, kayo naman ang may gusto ni Mommy nun di ba?”

“Aba, te! Ako celebrant? Syempre, kasama ka dapat sa pagaasikaso nun.”

“Osige naa. Tanungin mo na lang ako kung kinakailangan.”

“Hindi ka man lang ba excited?” tanong ko sa kanya.

“Hindi.” Maikli niyang sagot sa akin.

“..and besides, maga-aksaya lang tayo ng pera, sooner or later mababaliwala din yan.” Sabi niya ng hindi nakatingin sakin

“Ano ka ba! Wag ka ngang nega! Sabunutan kita sige!” sabay bato ko ng unan sa kanya

“Aray! Ano ba? Yun lang ba itatanong mo? Makakaalis ka na, gusto ko pang matulog.”

“Kung paalisin mo naman ako, parang naligaw lang na tuta uh. Anyways, kamusta na kayo ni Ian?”

“Kami? Ayun, okay naman.” Sagot niya.

“Ano ? Okay lang? Hindi lumelevel up?” asar kong tanong sa kanya

“Hindi. Bakit naman le-level up?”

“Ano ba yan! Ang bagal talaga nun.” Bulong ko

“Anong mabagal?”

“A-ah. Wala. Tss. Oh, sasali ka ba sa Painting Club chuchu na yun?”

At natigilan siya sa itinanong ko.

“P-painting club? Siguro?”

“Siguro lang? Ano ba yan! Edi ba mahilig ka naman dun?” tanong ko sa kanya

“Oonga, mahilig ako, pero hindi ako marunong mag-paint, let’s say, basics lang ang alam ko sa ganun.” Sagot niya sakin

“Osha, maligo ka na. Samahan mo ko sa mall.”

“Ha? Bakit? Ayaw ko. Tinatamad ako, tsaka gusto ko pang matulog.” Pagtanggi niya sa aya ko.

“Eehhh. Tara na! Samahan mo na ko. Dali na. Dun na din natin pagusapan yung ibang details.”

“Details?” nagtatakang tanong niya.

“Details for your debut! Bakit ba naman kasi ang aga mong pumasok at kung kelan 3rd yr ka na tsaka ka pa magd-debut.”

“Kasalan ko?” tanong niya

“Hindi. Osha, ligo na at tara na sa mall.”

“Ayaw.”

“Dali na.”

“Ayaw nga!”

“Fine! Di wag! Sasabihin ko na lang kay Ian ang hidden desire mo sa kanya!” pananakot ko sa kanya.

“A-anong hidden desire?” nagaalangan niyang tanong sakin

“Di ba crush mo siya?” tanong ko sa kanya

“H-hhindi uh.” Pagtanggi niya dito.

“Oo kaya! Crush mo siya!”

“Paano mo naman nasabi? Sige nga?”

I knew it! Sabi ko na nga ba at bibigay din tong magaling kong kaibigan!xD hahaha.

“Well, I just know. And,te! Halata ka kaya.” Pangaasar ko sa kanya.

“Waaaaaaaaaaaahhhhhhh!! Di nga?”

“Ano ba! Wag ka ngang sumigaw! Tumayo ka na kasi jan at maligo! Sa mall na lang tayo magkwentuhan!”

“Fine! Arggghhh!” at nagdadabog siyang tumayo para maligo.

----

^___^V

The PaintingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon