STILL YOU-Chapter 3

9 0 0
                                    

==CHAPTER 3==

Liam's POV

"di pa din sya nagbabago" bulong ko.

"oo nga pare, ganon padin si cassie no, kaso mas lalo syang gumanda ngayon" sabat ni jerome, manager ko pero tropa ko yan since highschool kaya alam nya yung nakaraan namin ni cassie.

Papunta kasi kami ngayon sa shaydee's bar nagkayayaan lang kami ni jerome.

"oo nga pare,sobrang ganda na nya" pag sang-ayon ko sa kanya

"di ka ba nanghihinayang pare, sayang kayo ang tagal nyo din nun" tanong ni jerome sakin habang nagddrive sya.

Di ko nalang sinagot si jerome at tumingin sa bintana, isang taon na din simula nung naghiwalay kami pero hanggang ngayon di padin nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya. Kung sa tanong ni jerome kung nanghihinayang ako samin ni cass, SOBRA., kung alam ko lang na mag aartista din pala sya di sana di na ko nagsacrifice.

Iniwan ko sya kasi ayoko syang madamay sa mga lumabas na issue tungkol sakin. Madaming kumalat na chismis na unprofessional at playboy daw ako. Kahit na hindi totoo yun maraming naniwala sa issue na yun at humina ang career ko.

Nung time na yun sobrang gulong gulo ako. Mahal ko si Cassie pero kailangan kong gawin yun para protektahan sya at ang kanyang pribadong buhay. Simula kasi nun iniimbestigahan na ng taga media ang buhay ko at ayoko madamay si cassie.

Nakaisip ng paraan ang management para mabura ang issue tungkol sakin.

Na ipalabas sa media na in a relationship na kami ni Johanna Salvador, sya yung nalink sakin na pinagawayan din namin ni cass. May gusto sakin si Johanna kaya naging madali samin magpanggap.

Pumasok na kami ni Jerome sa bar at umorder.

"pare, si cassie ba yun?" tanong sakin ni jerome habang tinuturo nya yung babaeng nasa dancefloor.

Pagtingin ko si Cassie nga, nakikipagsayaw sa lalaki. Nangingibabaw yung kagandahan ni cassie sa dancefloor.

Dumating na yung inorder namin at agad kong ininom yung isang bote. "

"oo si cassie yan" habang iniinom yung pangalawang bote.

"ang hot talaga ng ex mo pre" biro sakin ni jerome. Tinitigan ko lang sya ng masama.

"wooohh, relax lang pare, nagbibiro lang eh" sabi nya

Habang nandun kami hindi nawala ang tingin ko kay cassie. Ang dami na nyang nainom. Nakita kong dumating na yung assistant nya at inaakay na sya palabas pero nakikita kong pumipiglas sya. Nakita kong nahihirapan ng akayin ng assistant nya si cassie kaya agad akong pumunta sa kanila.

"bakit ganon gelai?''kala ko ok na ko pero nung nakita ko si liam  bumalik lahat ang sakit'' sabi nya bigla naman akong natigilan hanggang ngayon apektado pa din sya sa past namin

"sir" sabi ng assistant nya na parang nagulat.

"tulungan na kita" kinuha ko sa kanya si cassie at hinatid sa labas.

"asan ang kotse nyo" tanong ko sa assistant nya.

"wala pa po yung driver namin, inutusan ko po kasing kuhanin yung ibang gamit ni ms cassie sa office, pero ok lang po sir liam aantayin nalang po namin sabi naman nya malapit na sya" sabi nya.

"wag na, ihahatid ko na kayo" habang akay si cassie papuntang kotse ko

"sir baka po magalit si cassie" pag aalala nya

STILL YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon