STILL YOU- CHAPTER 4

10 0 0
                                    

==Chapter 4==

Liam's POV

Papunta ako ngayon sa meeting ng movie namin ni cassie. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Alam kong galit padin sya sakin.

Nakarating na ko sa station at dumiretcho sa conference room dun kasi yung meeting place namin.

Pagdating ko andun na si cassie kasama ang manager nya. Napatingin naman sya sa pagdating ko at mabilis ding umirap. Mukhang badtrip sya sa ideyang to. Tumabi na ko kay jerome.

"Goodafternoon everyone, we need to discuss your upcoming movie. Alam nating lahat na naging mabilis ang pangyayari pero di natin kailangan palampasin ang chance na to" sabi ni Ms. Soriano vice president ng station

"we decided na gawin kayong newest loveteam ng station dahil nakita namin ang chemistry nyo" dagdag pa nya

"Ms. Soriano, parang unfair naman po kay Ms. Johanna na alisan nalang sya ng kaloveteam and besides they look perfect together right?" sabi ni cassie. Mukhang affected pa sya samin ni Johanna.

"Ms. Salvador is no longer connected to our station, lumipat na sya ng ibang channel and naging problema nadin sya ng management lately so we decided na iteam-up na kayo ni liam" pahayag ni Ms. Soriano

"So when the shooting starts and may story na ba?" pagtatanong ko

"Next month ang start ng filming and yung plot ng story is like a bestfriend/lover wala pang masyadong details but pag meron na ipapadala ko agad sa inyo"

"ok thank you mam" sabi ng manager ni cassie

"by the way, Ms. Cassie, alam ko na may guesting ka sa isang talkshow right?'' tanong ni Ms. Soriano kay cassie.

Tumango lang ito.

"yes mam, ineresched lang ng talkshow" sagot ng manager nya

"i see' kakausapin ko ang talkshow na gawing dalawa kayo ni liam ang interviewin sa segment na yun para maparating nyo sa mga fans na may upcoming movie kayo" sabi ni Ms. Soriano

Napatingin ako kay cassie ang halata mong nagpipigil lang sya pero nakukuha pa din nyang ngumiti.

"alright. mukhang nadiscussed ko naman na lahat. eto muna for now magpapatawag nalang ulit ako ng meeting pag may mga updates. Thank you Cassie and Liam" umalis na si Ms. Soriano

Lumapit ako sa Manager ni Cassie at nakipagshake hand. Lumapit din ako kay Cassie nakasimangot pa din sya at nilahad ang kamay ko for shake hands. Nung una parang ayaw nya pero tinanggap din nya ito. Natuwa naman ako nung tinanggap nya to.

"I'm so excited to work with you Cassie" sabi ko 

"thanks" walang gana nyang sagot

"Balitaan ko nalang kayo kung kelan yung guesting, update ko nalang kayo" sabi ni Ms. Kim yun yung name ng manager ni cassie

"Alright, Ms. Kim, we honored na makatrabaho kayo" sabi ni jerome

"same here! , mauna na kami sa inyo" sabi ni kim

Ngumiti lang ito at hinatak na si Cassie na wala sa sarili. Mukhang against talaga si Cassie sa idea na to but gagawa ko ng paraan para maging ok kami.

--------------------------------

Cassie' POV

Kakatapos lang ng meeting namin sa station at ito ako ngayon pano naman kasi sobrang biglaan ang lahat hindi ako prepared sa lahat kaya ayun kanina medyo lutang pero atleast na open ko yung kay Johanna' yung ex nyang kaloveteam nya. Buti naman at wala na yun sa station namin kasi imbyerna talaga ko sa pagmumukha nun.

Sa nakita ko mukhang hindi naman na apektado si liam sa prisensya ko at ako nalang ang nababaliw kakaisip. Siguro nga naka move-on na sya sabagay nakapag gf nga sya agad eh. Siguro nga dapat maging maayos na ko pagkaharap sya. Dapat ipakita ko sa kanya na di na ko affected sa kanya. Tama!ayun nga ang dapat.

Pagdating ko sa condo ko dumiretcho ko sa kwarto ko at binuksan yung ipad. Soundtrip lang para makapagrelax. Nahiga na ko sa kama ko.

Nung medyo naiiglip na ko biglang tumunog yung cellphone ko. May nagtext. Kinuha ko at tinignan kung sino.

"From: Tom Ricafort

"are you free tonight?"

reply

" nah' sorry maybe next time but thanks anyway"

send.

Nakilala ko si tom sa isang event last month, sikat din syang model sa kabilang station. He always invited to for dinner but i always refused. I dont know siguro ayoko lang na may ma'link sakin. He confessed na din na he likes me but syempre dinedma ko lang sabi ko i'm not ready pa to date someone.

Tumunog ulit yung phone ko. Tinignan ko baka nagreply si tom but unregisted number

From: +63915-++++++

"How are you cassie? take care"

-liam

Napabangon ako bigla sa kama ko at binasa ulit yung text. Si Liam nga, at anong trip nito at nagtext sakin. Anong isasagot ko? Ginulo ko ang buhok ko pero maganda pa din. haha!

"Cassie, simpleng sagot sa simpleng tanong" bulong ko.

Kasi naman how are you lang ang tinext mukha kong ewan na tarantang nagiisip ng isasagot.

To: Liam Gonzales

"Fine, Same to you"

send

waaahh ang corny ng sagot ko di bale ok na yan atleast sumagot.

Tumunog naman agad yung phone ko. Nakapagreply agad

From: Liam Gonzales

"glad to hear that, anyway see you soon. i miss you. bye"

"what!!!" sigaw ko may pamiss you miss you pang nalalaman ewan ko sa kanya bahala na nga sya makatulog na nga para mapahinga na yung utak ko kakaisip.

STILL YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon