STILL YOU- Chapter 5

14 1 0
                                    

Chapter 5

Cassie' Pov

May photoshoot ako ngayon para sa isang magazine. Pagdating ko sa venue bumungad sakin si tom at nagbeso.

"long time, no see cassie' how are you?" tanong sakin ni tom

"im fine, kasama pala kita sa photoshoot ngayon" Naupo ako ang inayusan.

"yah and happy ako kasi im working with you" sabi nya

Ngumiti lang ako natapos na kong ayusan nagstart na yung photoshoot. Denim kasi yung ineemphasize sa photoshoot namin

Natapos na yung photoshoot at nagkayayaan ang mga staff na magdinner. Pumayag na din ako kasi kailangan kong makisama.

Pumunta kami sa pinakamalapit na restaurant at nag-order na sila. Nakipagkwentuhan lang ako sa mga staff.

"I'm glad na nakasama din kita magdinner kahit na group dinner to" Napatingin naman ako sa kabilang side ko si Tom na pala tong katabi ko alam ko kasi sa kabilang sulok sya nakaupo.

Ngumiti lang ako tapos uminom ng juice. Awkward kasi para sakin na kausap sya pano ba naman hindi pa naman kami close pero kung makaconfess na gusto nya ko eh walang preno. Tapos kung makapagparinig sa mga interview nya eh wagas.

"one of this day sana may free time ka para mainvite kita magdinner"

"Ahh ano kasi medyo busy din kasi ako this month may upcoming movie kasi ako kaya medyo hectic yung schedule ko"

sabi ko

"really? congrats sa new movie mo. Sino naman ang ang leading man mo dun?" tanong nya sakin

" Si Liam yung singer"

Pagkasabi ko nun bigla nalang syang nanahimik.

Dumating na yung food na inorder namin at kumain na. Napansin ko naman na biglang nawalan ng sa mood si Tom. Nakasimangot lang sya habang kumakain. Ano kayang problema nun? Nagalit kaya sya sakin kasi di ko padin pumayag na magdinner kami. Naguguilty naman ako.

After namin kumaen nagkayayaan na umuwi. Nauna sila Tom umalis. Ni hindi man lang nagpaalam sakin. tsk Galit nga kasi sayo cassie kaya wag kang magexpect. Sa dami ba naman ng rejection na natanggap nya sayo eh.

Nagdecide na kaming dumiretcho ni gelai sa condo.

Pagkababa ko biglang nagring yung phone ko. Pagkacheck ko si...

Si Liam"

Bakit kaya tumatawag to?

"Hello"

"Hi cassie, how are you? free ka ba tonight?

"sorry, di ako pwede pagod ako eh. sige i hang up na"

Bababa ko na sana ng nakita ko si liam sa may katabing kotse ng pinagparkingan namin.

"hi, cassie, alam kong tatanggi ka sa invite ko kea eto nagdala nalang ako ng food" hawak nya yung 2boxes ng pizza.

"pano mo nalaman kung san ako nakatira" pagtatanong ko.

"sa isang trusted source" sabi nya at tska ngwink pa. ang galing nya talaga. ni hindi ka makakaramdam ng pagkailang sa kanya siguro nga nakamove on na sya.

"alright, sige kainin nalang natin yan sa taas" sabi ko. wala na din akong magagawa eh, kailangan ko ulet syang pakisamahan dahil gagawa kami ng project at the same time kailangan ko ng di mailang sa kanya baka sabihin ang bitter ko pa.

Umakyat na kami sa condo ko at inayos yung dala nyang food, si gelai naman umuwi na sa kanila gabi na din kasi.

Binuksan ko yung tv at naupo sa couch ko. tumabi naman si liam.

"so how are you" tanong nya.

"ayan nalang lagi mong tinatanong sakin. wala na bang iba?" sagot ko habang kumakain ng pizza.

"ah,eh!" sabay kamot sa ulo nya di padin sya nagbabago.

Napangiti nalang ako sa kanya.

"ok naman ako, happy,contented sa career ko" sagot ko

"glad to hear that" sabi nya sabay kagat ng pizza.

awkward moment nanaman para samin. nanood lang kami ng movie then bigla ko natanong

"bakit ka pala napunta dito?"

"Namiss kasi kita" sabay wink nya

"tigilan mo nga ko liam, bakit nga?" sabi ko

"gusto ko lang makapagbonding tayo, para pag gumawa na tayo ng project wala na tayong ilangan" sabi nya.

Sabagay may point sya. ano pa bang gusto kong dahilan?haha! wag kang assuming cassie.

"ahh, i see dont worry mr. liam professional ako kaya wala tayong magiging problema" sabi ko sabay smile.

"ok. sige cassie uwi na ko thankyou ah". sabay lapit sakin at napaatras ako sa pagkakaupo ko.

Lumapit sya sa tenga ko at bumulong "di ka parin nagbabago cass, namumula ka padin pag nilalapit ko yung mukha ko sayo"

Hinapas ko nga. "Tumigil ka nga,umuwi ka na chu,,," sabay tulak sa kanya papuntang pintuan.

Nung nasa labas na sya bigla nya kong hinila papunta sa kanya. ang lapit nanaman ng mukha nya sakin.

"ilock mo maigi yung pinto ah, uuwi na ko" sabay halik sa noo ko tska umalis.

Ako eto tulala sa tapat ng pintuan, ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko habang tanaw sya paalis ng hallway.

STILL YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon