Wattpad Original
There are 5 more free parts

Chapter 3

22.1K 716 229
                                    

Three

Hindi ako nakakain nang maayos dahil hindi ko maialis sa isip ko yung mga daliri ni Rachel at yung ginawa niya sa mga iyon. Nagpatuloy pa rin siya sa pagkain at napalulunok ako sa tuwing ginagawa niya ulit iyon.

It was incredibly sexy and cute at the same time. Damn.

Nang matapos siyang kumain ay kumuha siya ng powder sa bag niya at ini-apply iyon sa mukha niya, tapos ay naglagay siya ng lip balm. Pinili kong tumingin sa ibang direksyon habang ginagawa niya iyon. Para kasing hindi ako mapakali at hindi ako kumportable kung patuloy ko siyang panonoorin.

Si Andrea ay hindi nakukuntento sa simpleng pulbo at lip balm lang. Palagi iyong nagre-retouch. May maliit na bag iyon sa loob ng kanyang bag at nandoon ang lahat ng mga pang-retouch niya. May lipstick, may panglagay sa mata, at meron din ng panlagay sa pisngi. Maganda naman si Andrea kahit wala ang mga iyon pero dahil nga ganoon ang hilig niya ay pinababayaan ko na lang siya.

"Tapos ka na? Tara na." Si Rachel.

"Ha? Bakit saan tayo pupunta?" agad ko namang tanong. May pupuntahan pa yata si Rachel at natuwa naman ako dahil mukhang isasama niya ako.

Nararamdaman ko sa sarili ko na gusto kong mapalapit kay Rachel at gusto kong lalo pa siyang makilala. Gusto kong makapasok sa mundo niya.

"Uuwi na ako, ikaw ba?" sabi ni Rachel.

"Ha? Uuwi na kaagad?"

Tangina! Akala ko pa naman ay isasama niya ako sa kung saan mang lakad niya, iyon naman pala ay gusto na niyang umuwi. Nakakikita pa lang ako ng kaunting liwanag at pag-asa, eh, tinatakpan na kaagad ni Rachel. Napanis na charisma mo, Jacob. Matagal mo kasing ibinuro kay Andrea.

"Oo, uuwi na ako, ikaw ba? May lakad ka pa?"

"Wala naman, pero ayoko pa sanang umuwi, ikaw ba? Baka may gusto ka pang puntahan sasamahan na kita."

"Wala na, salamat na lang, uuwi na ako."

Napabuntonghininga ako. Walang pag-asa. O kay saklap ng kapalaran.

"Hatid na lang kita sa apartment mo."

"'Di na, lapit-lapit lang n'on dito, eh."

"Kahit na, baka may makasalubong ka pang adik diyan, 'di ka makakapalag, liit mong 'yan, eh," biro ko sa kanya at agad kong nakita ang pagsimangot niya.

"Sira!" sigaw niya sa akin tapos ay tumalikod na siya.

One thing na nalaman ko tungkol kay Rachel ngayon ay pikon siya. Kaunting asar mo lang sa kanya ay lalabasan ka na niya ng pangil niya.

Sumunod naman kaagad ako sa kanya nang lumabas siya. "Ihahatid na kasi kita, gaya nga ng sabi mo, eh, ang lapit-lapit lang naman dito ng apartment mo."

Hindi siya sumagot pero hindi rin naman siya tumanggi, kasabay ko lang siyang naglalakad.

"Daan lang akong 7-Eleven," sabi niya sa 'kin at sumunod lang din ako sa kanya.

Pagpasok namin ay may mga nakatingin na schoolmate namin, siguro ay kakilala sila ni Rachel.

Kumuha si Rachel ng dalawang Knick Knacks Milk, isang Pepero with Almonds, isang potato chips, at isang Zest-o.

"Hilig mo riyan, 'no?" tanong ko sa kanya.

"Saan?"

"Sa Zest-o, uminom ka rin niyan kahapon."

"Ah, wala lang, okay naman siya, eh."

"Naaalala ko sa 'yo childhood ko."

"Isa ko ring dahilan 'yan. Kuha ka rin kung gusto mo."

How To Mend A Broken HeartWhere stories live. Discover now