Wattpad Original
There is 1 more free part

Chapter 7

18.3K 620 211
                                    

Seven

"Good morning, Ma'am, may lakad ba tayo today?" Text ko kay Rachel pagmulat pa lang ng mata ko.

"Good morning din, walang lakad today. Sunday is rest day." Reply niya sa 'kin.

Magwa-walong linggo na kaming ganito ni Rachel. 'Di ko nga alam kung ano na ang estado namin. Parang kami na, pero walang label. Ayos lang naman sa akin 'yon, ang mahalaga sa 'kin ay magkasama kaming dalawa.

Wala raw lakad ngayon, tsk tsk. Lumabas ako ng kuwarto at nakita ko kaagad si Julian sa kusina.

"P're, may pabor ako sa 'yo."

"Ano 'yon?"

"Tulungan mo nga ako mangusina saglit, dadalhan ko ng almusal si Rachel."

"Tangina, effort!" Nakangisi si Julian sa 'kin.

"Papalitan ko 'yang ingredients na gagamitin natin," sabi ko kay Julian.

"'Di na, tulong ko na sa 'yo 'yan, saka ingredients naman natin 'yan."

"Salamat."

"Anong gusto mong lutuin?"

"May karne ba tayo? Gusto ko sanang dalhan siya ng tapsilog, eh."

"Meron pa, tamang-tama may baka tayo. Tira doon sa niluto kong nilaga kagabi."

Nagsimula na si Julian magtimpla nung karne, at pinaghilis niya ako ng bawang.

Kinuha ko naman ang cellphone ko at itinext si Rachel.

"Ma'am, nag-breakfast ka na?"

"Hindi pa, 'di pa nga ako bumabangon, eh."

"Tulog ka pa, maaga pa naman." Reply ko, pero ang totoo ayoko pala siyang mag-almusal.

"Mamaya na ang text kung gusto mong madali tayong matapos." Si Julian.

"Ah, oo, p're." Sinimulan ko na yung paghihilis ng bawang.

"Marunong ka namang magsinangag, 'no?" tanong ni Julian

"Oo naman."

"Sige, ikaw na ang magsangag ng kanin."

Tumango ako at inihanda ang mga gagamitin ko. Kumpleto kami ng gamit sa kusina palibhasa hinakot na yata ni Julian yung mga gamit nila sa bahay tapos nag-iipon din 'yan ng pambili ng gamit. Tanda ko noon, nanghiram siya sa 'min ng tig-iisang daan bibili lang siya nung kawali nung minsan na nag-mall kami ng mga 'yan.

"Nag-resign na si Esso sa pagiging assistant mo, Chef Julian?" Si Pipo.

"Ah hindi, nag-request lang itong isa rito na magde-deliver daw siya ng almusal do'n sa irog niya kaya nagprisintang mangusina."

"Iba talaga ang galawang Jacob. Hokageng-hokage." Si Pipo ulit.

"Oo nga, kapag nakakita ka ng mamahalin nang tunay, tawagan mo si Jacob. Alam niya ang gagawin." Si Julian naman ang bumanat.

"Alam niya kung papaanong manghuli ng maiilap na puso."

"Kung makapag-usap kayo parang wala ako rito, ah," singit ko.

"P're, atupagin mo 'yang sinangag mo." Si Julian sa akin. Isang oras at kalahati ang ginugol namin bago kami natapos ni Julian. Maingat kong inilagay sa plastic container yung pagkain saka iyon inilagay sa paper bag. Nagdala rin ako ng kape na freshly brewed, padala ng parents nina Chino sa 'min. Pagbaba ko sa apartment ay humingi pa ako ng bulaklak do'n sa kapitbahay namin, kulay orange at pink ang pinitas niya para sa 'kin.

"Mukhang may girlfriend na ulit si Kuya Jacob," sabi niya roon sa anak niyang lalaki. Ngumiti lang naman ako at nagpasalamat.

Kumatok ako sa gate ng apartment nina Rachel at si Maya ang nagbukas.

How To Mend A Broken HeartWhere stories live. Discover now