Wattpad Original
There are 2 more free parts

Chapter 6

19.1K 648 195
                                    

Six

Nagising ako sa amoy ng bacon, parang gutom na kaagad ako at gusto ko nang kumain. Wala na sina Esso at si Julian sa kama nang magising ako, si Chino tulog pa, at si Pipo naman ay tulad kong mumukat-mukat pa.

Tangina! Parang fiesta sa apartment kinaumagahan. Ang daming niluto ni Julian.

"May pa-feeding program ka, Julian?" tanong ni Pipo.

"Wala pero darating ang bago nating tropa na si Rachel," sagot ni Julian.

"May percolator pala tayo?" tanong ko roon sa dalawa na sina Esso at Julian nang maamoy ko ang kape.

"Ah, oo, nakatago lang." Si Esso

"Salamat sa effort niyo."

"We're not doing this for you," pang-asar na sagot ni Julian sa 'kin habang gumagawa ng omelet. Hindi ako sumagot at nagkibit balikat na lang ako.

"Maligo ka na lang, lover boy at baka biglang dumating ang irog mo, may muta ka pa," sabi ni Pipo. Nakinig naman ako at mabilis na pumasok sa banyo.

***

Nang nagdaang gabi ay hindi ako nakatulog kaiisip kay Rachel. Pinipigilan ko ang sarili kong tawagan siya kaya nag-text na lang ako ng good night at nang mag-reply siya sa akin ay literal na napabangon ako sa pagkakahiga.

Dinaig ko pa ang lumaklak ng kape dahil nagpa-palpitate ako kada nagre-reply si Rachel sa text ko. Ngayon lang ako na-excite nang ganito.

Tinanong ko ang sarili ko kung lonely lang ba ako kaya ako ganito pero tangina! Hindi, eh. Iba na 'to.

Para akong gagong nag-i-imagine na kasama ko si Rachel. Na-imagine ko na rin pati ang pagtanda naming dalawa, pati ang mga pag-aaway namin. Napakaraming scenario na ang nabuo sa isipan ko kagabi. Madaling araw na yata nang makatulog ako at nang makatulog naman ako ay siya pa rin ang laman ng panaginip ko na parang ayaw ko nang magising.

Tangina! Para akong nasa cloud nine, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Para din akong naka-Red Bull, gives you wings. Damn it!

***

"Morning." Si Rachel. Para akong itinusok sa kinatatayuan ko. Katatapos ko lang maligo at nakatapis lamang ako ng tuwalya.

"Hmm, not bad." Si Rachel ulit tumaas ang isang kilay niya at tumango-tango pa siya then bigla siyang humigop ng kape. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Tangina! Ramdam ko ang pag-iinit ng katawan ko. Ni minsan ay hindi pa ako na-conscious nang ganito, ngayon lang.

Halatang-halata ko ang pagpipigil ng tawa nung apat habang kasabay silang nagkakape ni Rachel.

"Mag-magbibihis lang ako," nasabi ko na lang at pumasok na ako sa kuwarto.

***

Yung apat na walang magawa, nakabuntot lang sa 'min ni Rachel. Dala-dala yung mga banner at sa unang pagkakataon, sumali kami sa rally. Mukhang nag-e-enjoy naman yung apat dahil nakikipagkilala sila sa kung sino-sinong mga babae, lalo na sina Esso, at Julian. Mukhang may nakapalitan ng number si Pipo dahil nakalabas ang cellphone nito pati ng kausap nitong babae.

"Si Pipo, nakabingwit ng Pokemon," tatawa-tawang sabi ni Chino sa 'min.

"Manghuli ka rin ng Pokemon, 'tol." Si Esso.

"Ayoko, wala akong pera." Yung pagpaling niya kay Esso parang may ibang ibig sabihin. Lumayo naman agad si Esso rito.

Nagsimula na naman yung magkapatid.

***

Ilang araw na lang bago yung fair at nagsisimula nang maghanda ang mga estudyante, lalo na yung kasali sa mga club. Walang permanenteng club si Rachel pero marami siyang tinutulungan. At dahil sa dami ng kakilala at pinupuntahan niya, napag-uusapan na kami ng ilan dahil lagi akong nakasunod sa kanya. May mga nagtanong na rin kung kami na ba pero pareho kaming nginingitian lang sila at hindi sumasagot.

How To Mend A Broken HeartWhere stories live. Discover now