Chapter 37 ♥ His side

649K 11.2K 1.6K
                                    

 

Chelsea POV

Kakadating lang namin ni Papa dito sa mansyon nila. Nanghihina ako at the same time nilalakasan pa din yung loob ko.

Nasasaktan ako hindi dahil sa insultong natanggap ko sa Papa ni Kyle. Nasasaktan ako dahil alam kong naiipit sa sitwasyon si Kyle. I love him so much. Kapag nasasaktan sya, doble yung sakit na nararamdaman ko.

Sana maging okay na ang lahat. Sana maging maayos na ang lahat. Parang nung mga nakaraang araw lang, ang saya saya namin. Tama nga ang sabi nila na kapag may saya, may lungkot. Hindi natin maa-appreciate ang happiness kung wala si sadness.

I know matatapos din ang lahat ng problema namin ni Kyle. Walang bibitaw saming dalawa. Malakas kami. Mas malakas pa sa kapangyarihan ng Papa nya ang pagmamahalan naming dalawa ni Kyle.

Wala ng pwedeng pumigil samin. Dahil hindi lang kami ni Kyle, kundi pati magiging baby namin ang ipapaglaban namin. Hindi ko kayang mawala si Kyle. Hindi ko kaya.

Umiiyak ako hanggang sa makarating kami ni Papa dito sa salas. Inalalayan nya ako sa pag-upo.

"Iha patawad.."

 

Naiiyak ako lalo. Si Papa nangigilid na din ang luha. Wala naman syang kasalanan. Hindi naman nya kasalanan kung illegitimate daughter nya lang ako.

"Papa.."

"Kung pinaglaban ko ang pagmamahal ko sa Mama mo noon, kung hindi ako sumunod sa ama ko na ipakasal ako sa babaeng hindi ko naman minahal, ang ina ni Mandy. Kung hindi ako sumunod sa ama ko, edi sana naging masaya kami ng Mama mo. Edi sana wala ng hadlang sa pagmamahalan nyo ni Kyle. Dahil ako bilang ama, nakikita ko kung gaano ka-responsable si Kyle anak. Sya ang nababagay sayo. Alam kong mahal nyo ang isa't isa. Hanga din ako dahil kaya nyong ipaglaban ang isa't isa. Magtiwala ka kay Kyle. Alam kong hindi ka nya papabayaan ngayon pang magiging ama na sya. Alam kong hindi tutulad sakin si Kyle na susunod sa utos ng ama na ipakasal sa babaeng di naman mahal."

MPMMN 2: Still In LoveWhere stories live. Discover now