Chapter 39 ♥ Character's Status

663K 9.8K 2K
                                    

Chelsea POV

Hapon na. And still, tulog pa din si Kyle.

After kasi magkabati ang mag-ama kanina at kumain kami ng sabay-sabay, umalis na din agad kami ni Kyle para kunin ang mahahalagang gamit at mga damit namin sa unit ko. Kasi lipat bahay agad kami. Agad-agad.

Si Papa ni Kyle nakipag-meet daw kay Papa. Pag-uusapan daw nila yung details ng kasal namin.

Bale, dito na kami sa Shin-Woo's Mansion. Specifically, dito sa kwarto ni Kyle. Ang laki laki kaya nito. Magkasama na daw kami dito sa kwarto. Sabi naman ng Papa ni Kyle, ituring daw namin na sarili ang mansyon na'to kasi sa'min din 'to mapupunta.

Ang bait pala ng Papa ni Kyle. May pinagdaanan lang talaga siguro kaya naging bato ang puso nya. Pero at least okay na. Super saya kasi wala na kaming problema ni Kyle.

Siguradong napagod sya kanina sa pag-aayos ng mga gamit na dinala namin dito. Ayaw nya naman kasi ako patulungin. Bawal daw ako mapagod.

Nakasandal lang pala ako dito sa head board ng kama habang gumagamit ng iPad. Wala kasi pang magawa. Sabi kasi ni Kyle, wag na wag daw ako mag-iimis ng kalat dito sa kwarto nya. Basta dito lang daw ako sa kama habang natutulog sya.

Balak ko na ngang maglista nung mga abay sa kasal namin ni Kyle. Grabe nae-excite nako. So tuloy na tuloy na talaga kasal namin. Okay na sa both family side.

Ka-chat ko pala sa FB si Janna.

**

Janna: Best musta? Anong balita?

Ako: okay na. Pinagpa-planuhan na ang details ng wedding.

Janna: Omo! Best! So tuloy-tuloy na yan? Abay kami!

Ako: Ikaw pa ba ang mawala? Syempre ikaw ang bride's maid ko.

Janna: Waa. Sana si Adrian ang groom's man.

Ako: Asus. Oo basta partner kayo. Musta pala kayo dyan sa Batangas?

Janna: Okay naman kaso may nangyayaring tampuhan between Mandy and James. As in malaking tampuhan. Then si Yumi naman at Lance ayun, gumagawa na yata ng baby. Haha!

Ako: Baliw ka talaga. Pero ano bang problema nina Mandy?

Janna: I don't know eh. Alam mo naman, sila yung laging magkatabi. Parang isa sa reason yung girl na kasama ni Drei.

MPMMN 2: Still In LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt