Chapter 53 ♥ Bipolar

541K 9.3K 2.3K
                                    

Chelsea POV

Umaga.

Kagabi, nagkwentuhan nalang kami hanggang sa uwian na. Pagkauwi naman namin ni kyle diretso tulog na din. Madali na kasi ako mapagod ngayon. Dahil sa pagbubuntis ko.

Walang pasok ngayon. Sabi ni Kyle mamamasyal daw kami ngayon. Pa-refresh daw. Para sa kanya na din. Kasi naman ang init ng ulo nya dahil dun sa Kien na yun.

-_-

Speaking of Kien, nakakainis lang ha. Ano naman ang hidden agenda nya? Aish.

Nga pala ngayon din ako bibilhan ni Kyle ng new phone. Sinira nya kasi eh. Iba talaga magselos ang gummy bear ko.

"Baby ko are you done?" Tanong ni Kyle. Sya kasi last na naligo. Sa banyo na din sya nagbihis. Syempre nakakahiya pa din makita ang ma-maskels na katawan ni Kyle. Haha.

Inayos ko na yung mini sling bag ko saka tumayo. "I'm done gummy bear." Nakangiting sabi ko.

"Okay. Let's go."

--

Sa amusement park..

*o*

Amazed pa din ako dito. Kasi naman naaalala ko yung dati. Yung nag-brithday ako tapos dito ako sinurprise ni Kyle kahit late na yung regalo nya. Yung kwintas na binigay nya sakin dati, nakatago lang. Never ko sinuot. Basta gusto ko lang itago.

Naalala kopa nga dati yung nakasakay kami sa ferris wheel tapos biglang may fireworks. Kakaiba talaga si Kyle. Pero yung time na yun, nasa indenial stage pa kami. Haha. Hindi namin alam na mahal na pala talaga namin ang isa't isa.

MPMMN 2: Still In LoveWhere stories live. Discover now